Default Thumbnail

Allowance ng SCs sa Maynila, ipamamahagi na

April 20, 2023 Edd Reyes 286 views

INI-ANUNSIYO ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan nito lamang Miyerkules na ipamamahagi na ng Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) ang buwanang allowance para sa mga kuwalipikadong senior citizens (SCs) sa Lungsod ng Maynila.

“Good news po sa ating mga seniors dahil matatanggap na nila ang kanilang allowance na may kabuuang P2,000 sa mga susunod na araw dahil pinirmahan na po natin ang pagre-release nito, nalimutan lang pong sabihin ni Ms. Jacinto,” pahayag ng alkalde na tumutukoy kay OSCA chief Elinor Jacinto.

Sinabi ng alkalde na ang P500 buwanang allowance para sa mga senior citizens ay sumasaklaw sa mga buwan ng Enero, Pebrero, Marso, at Abril na may kabuuang halagang P2,000.

Ayon pa kay Mayor Honey, ang allowance ng mga senior citizens ay kanilang ipinamamahagi ng apat na beses sa isang taon o “quarterly” sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Idinugtong pa ng alkalde na mahigit 179,000 na mga senior citizens na naninirahan sa Maynila ang magbebenipisyo sa buwanang allowance na ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan.

AUTHOR PROFILE