Allen

Allen and Sofia reveal future personal plans

April 20, 2022 Mario Bautista 170 views

Allen1ALLEN Ansay was just the first runner up in the last Starstruck artista search, but he is now given a lead role in “Raya Sirena”. He has definitely overtaken winner Kim de Leon who has yet to star and play a lead role in his own soap. What can Allen say about this?

“Hindi naman po pinababayaan ng GMA si Kim, magaganda rin ang roles na ibinibigay sa kanya like in ‘Agimat ng Agila’,” he says. “Sinuwerte lang po ako kasi napatambal ako kay Sofia Pablo at tinanggap ng viewers ang love team namin sa Tiktok, sa Youtube, and in ‘Prima Donnas’. And now, heto nga, pinagkatiwalaan kaming magbida in our own mini-series that started as an episode lang sa ‘Regal Studio Presents’, but is now expanded at naging full series na.”

So what is the status between him and Sofia at this point?

“Sa ngayon, I can say that we really know each other. Enjoy kami with each other’s company, so what you see is not ginagawa lang namin but ‘yung natural lang sa amin. As of now, Sofia just turned 16 and we prefer to focus on our work muna. Her mother trusts me. Kapag umaalis po siya sa set, sa akin niya ibinibilin si Sofia kasi alam niyang hindi ko pababayaan ito.”

So when does he intend to seriously court Sofia? “Ah, e, siguro po, kapag 30 na ako.”

And what can Sofia say about this? “Nagulat nga po ako. 30? Akala ko kapag early 20s na kami,” she says.

“Hindi, I mean ‘yung 30 kasal na ‘yun,” Allen quips. “Siguro, by that time, kilala na naming mabuti ang isa’t isa. Sa ngayon, ine-enjoy pa lang muna namin ang aming loveteam and we would like to have more fans who will support us para panoorin ang ‘Raya Sirena’.”

How is “Raya Sirena” different from the single episode shown in “Regal Studio Presents”?

“Parang karugtong po ito noon, so this is a sequel. Mas maintriga po ngayon kasi magkakaroon ako ng pagseselosan dito kay Sofia as Raya, ‘yung guardian niyang siokoy or merman, played by Saviour Ramos. Mas marami ring magiging mga kontrabida sa buhay niya rito kaya abangan nyo ito tuwing Sunday afternoon sa GMA-7 starting April 24 as directed by Cris Aquino.”

AUTHOR PROFILE