Aljur, excited mag-celebrate ng Father’s Day
WALA pang ideya si Aljur Abrenica kung paano niya ise-celebrate ang Father’s Day sa Linggo, June 18, kasama ang mga anak sa dating asawang si Kylie Padilla na sina Alas, six, at Axl, three.
Ang sigurado lang ay excited siyang pagplanuhan ang magiging pagsasama nila sa espesyal na araw na ‘yon.
Sa isang Zoomcon kahapon, sinabi rin ng aktor na bida sa pelikulang The Revelation, na sisikapin niyang tuparin ang pangako sa sarili na ipa-prioritize ang oras na kasama ang dalawang bata hanggang mag-seven years old ang mga ito.
Umabot pa nga raw ito sa point na nag-agree sila ng manager niyang si Leo Dominguez na hindi pwedeng sagasaan ng trabaho ang panahong igugugol ni Aljur sa mga anak.
“Totoo po ‘yan. I made a promise sa sarili ko na, sandali lang naman, eh. Kasi nasa (formative) years pa sila, one to seven? Alas just turned six, six na si Alas pala sa August, tapos ‘yung isa ko pang anak, three years old. So itong one to seven nila, I don’t wanna miss the opportunity na makita sila lagi, ‘yung time ko sa kanila, so ‘pag may mga project na nababangga, sinasakripisyo ko ‘yung trabaho. Blessing ‘yon, pero sinasakripisyo ko ‘yon para makasama ko ‘yung mga anak ko. Pero hanggang sa time lang na ‘yon, hanggang mag-seven sila,” paliwanag ng aktor.
Masaya naman siya sa desisyon niyang ito dahil “’di ka talaga magsisisi ‘pag nagbibigay ka ng panahon sa mga anak mo.”
Anyway, kasama ni Aljur sa sexy crime thriller na The Revelation ang kapatid na si Vin Abrenica, pati na sina Ana Jalandoni at Jelai Andres.
Ginagampanan niya rito ang papel ni Lance, isang mapagmahal na anak na may matinding malasakit sa mga kababaihan.
Dahil sa malungkot na nakaraan, patuloy siyang naghahanap ng tunay na pagmamahal at makakasama sa buhay.
Produced ng Hand Held Entertainment Production at House of Prime Films, ang The Revelation ay obra ni Ray An Dulay. Ipapalabas ito sa mga sinehan simula June 21.