Larawan: Jillian Ward/IG
Alindog sa ilog
“MAG-TWO PIECE ka na po plsss.” Iyan ang pakiusap ng isang Instagram user nang makita ang latest sexy photo ng television star na si Jillian Ward.
May caption na coconut emoji, mukhang tutok na tutok rin talaga sa niyog ni Jillian ang kanyang fans.
Tampok sa kanyang post ang kanyang daring photo habang nakasuot ng brown skirt at umaawra sa isang ilog.
Fangirling din ang ginawa ng ilang celebrities tulad na lang nina Dina Bonnevie, Kim Rodriguez, at co-star niyang si Kazel Kinouchi.
Halos anurin si Jillian ng positive comments mula sa netizens. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: “Effortlessly pretty”; “Pretty so much”; “#GMATeenQueen”; at iba pa.