Alice

Alice mahusay magtago

May 14, 2022 Aster Amoyo 131 views

MARAMI ang ginulat ng golden girl Fil-Am actress at dating beauty queen na si Alice Dixon (Jesie Alice Celones Dixson) nang sa kauna-unahang pagkakataon ay ilantad nito ang kanyang only child sa kanyang ex-husband, ang Filipino but Canada-based na si Ronnie Miranda na si Sassa, now a grown-up young lady in her early 20’s at tapos na ng kanyang pag-aaral including her masteral studies.

Alice was married to Ronnie in 1999 but got separated in 2012 but their divorce got finalized in February 2013. Tumagal ang kanilang pagsasama sa loob ng 13 taon.

May ilang taon ding tumigil si Alice sa kanyang showbiz career when she settled with her ex-husband in Canada and resumed in 2011 when she signed-up a contract with TV5 na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang comeback TV project sa pamamagitan ng “Ang Babaeng Hampaslupa” na sinundan ng “Glamorosa,” “Isang Dakot na Bala,” “Enchanted Garden,” “Never Say Goodbye” at “Confessions of a Torpe”.

At that time, marami ang nag-speculate na may problema ang marriage ni Alice kaya ito nagbalik-showbiz but she only confirmed it matapos ma-finalize ang kanilang divorce ng kanyang dating mister in 2013.

Matagal na naitago ni Alice ang kanyang eldest daughter dahil sa pagiging pribado ng kanyang ex-husband pero ngayong nasa tamang edad na ito at tapos na rin sa kanyang pag-aaral ay ipinakilala na ito ng actress at dating beauty queen sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account in time for the Mother’s Day celebration.

At age 51, Alice welcomed her new baby (Aura) last April 2021 na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy sa ibang bansa. Baby Aura is now one-year-old. Pero tulad ng kanyang eldest daughter na mahigit dalawang dekada niya naitago sa publiko, hindi pa rin sini-share ni Alice ang mukha ng kanyang baby daughter maging ng kanyang bagong partner na isang American businessman who owns a business resort in Boracay, isang dahilan kung bakit madalas ang aktres sa nasabing lugar.

Masaya ngayon si Alice dahil sa kanyang dalawang angels gayundin ang kanyang bagong partner (or husband?).

Since her comeback project with TV5 in 2011, tuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career.

Ngayong isa na siyang freelancer, nakakagawa siya ng proyekto sa GMA at sa ABS-CBN.

She did “Marimar” in 2015 sa GMA at dalawang magkasunod na proyekto sa ABS-CBN, ang “Ang Probinsyano” at “Ngayon at Kailanman” then bumalik siya ng GMA in 2019 kung saan tuluy-tuloy ngayon ang kanyang paggawa ng TV series na kanyang sinimulan sa “Madrasta” na sinundan ng “Beautiful Justice,” “Legal Wives” at ngayon ay bahagi siya sa top-rating series na “First Lady”.

At 52, marami ang kakabuging mga kabataang artist ni Alice dahil napakaganda pa rin nito at napaka-sexy hanggang ngayon.

Alice started her showbiz career in 1987 matapos siyang koronahang Bb. Pilipinas – International in 1986. She represented the county sa Miss International competition on same year and she landed sa Top 15.

Taong 1987 nang pasukin ni Alice ang showbiz after her hit TV shampoo commercial kung saan tumatak sa mga tao ang kanyang dialogue na “I can feel it!”.

Naging contestant din noon si Alice sa isang segment ng “Eat Bulaga” na nasa RPN9 pa noon. Dito siya kinuha ni Vic Sotto (isa sa mga poste ng programa) sa pamamagitan ng kanyang sariling production, ang M-Zet Production para gumanap na fairy mother as Faye sa hit weekly sitcom na “Okay Ka, Fairy Ko” bilang love interest ni Enteng (Vic). Nasabing programa ay tumagal sa ere ng sampung taon from 1987 to 1997. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang showbiz career ng aktres at dating beauty queen.

AngeliAngeli paano nakawala sa abusive Korean father

ANG 20-year-old sex goddess ng Vivamax, ang Fil-Korean na si Angeli Khang (Agnes Khang) at pangunahing bituin sa pelikulang “Pusoy” kung saan ding tampok na mga bituin ang 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee, Vince Rillon at Jela Cuenca na dinirek ni Phil Giordano and produced for Vivamax ng premyadong director na si Brillante Mendoza na matutunghan sa Vivamax app sa darating na May 27 ay siyang maituturing na `threat’ sa koronang pinanghahawakan ni AJ Raval but she considers the daughter of former action star Jeric Raval her sister dahil iisa ang kanilang manager, si Jojo Veloso.

Sobrang grateful si Angeli na siya’y binigyan ng solo face-to-face presscon ng Viva na ginanap sa Botejyu – Estancia last Friday na first time niyang naranasan since she started doing sexy films last year and became part ng all-sexy girl group na Fabulous Girls na kinabibilangan din nina AJ Raval, Ayanna Misola at Cara Gonzales.

Si Angeli (who is Agnes Khang in real life) ay na-discover ng kanyang present manager na si Jojo Veloso nang i-post ng kanyang friend ang kanyang picture on Facebook. Dito siya nakita ni Jojo at agad siyang kinontak nito.

Since malaki umano ang hawig ni Angeli sa Kapamilya actress na si Angel Locsin at angelic ang kanyang mukha, ginawang Angeli Khang ang screen name ng sexy star maintaining her real family name na Khang from her Korean father.

Angeli has an older brother na si Ace Khang at pareho umano silang naging battered children ng kanilang abusive Korean father who runs his own construction company in Saipan.

Six years old si Angeli nang magkahiwalay ang kanyang parents. Pareho silang magkapatid na ipinanganak sa Saipan na isang U.S. territory.

Nang magkabiwalay ang parents ni Angeli, silang magkapatid ay isinama ng kanilang Filipina mother pabalik ng Pilipinas but when she was ten, kinuha umano silang magkapatid pabalik ng Saipan para ayusin umano ang kanilang documents as American citizen kaya pumayag ang kanilang ina. Pagdating ng Saipan ay sinaktan umano sila ng kanilang ama physically. Pinagbawalan din umano silang gumamit ng cellphone pero pinayagan silang mag-communicate sa kanilang ina sa pamamagitan ng e-mail para namo-monitor ng kanilang ama ang kanilang communication sa kanilang ina. Wala umano silang paraan na makapagsubong kung paano sila tratuhin ng kanilang ama. When Angeli’s elder brother Ace turned 19 ay naglayas ito and took solace sa dating Filipina secretary ng kanilang ama. Dahil alam nito ang ugali ng kanilang ama, humingi ng tulong ang dating empleyado ng kanyang ama sa iba pang mga Filipino in Saipan para makapag-raise ng pera para makauwi ng Pilipinas si Ace. Since underage pa noon si Angeli ay hindi siya naisama ng kanyang kuya.

Si Ace na mismo ang nagkwento ng kanilang harrowing experience sa kamay ng kanilang ama kaya dali-daling gumawa ng paraan ang kanilang Filipina mother na makuha si Angeli who was already 14 years old at that time. Dahil sa trauma, sumailalim ng psychiatric treatment si Angeli na dumaan din noon sa depression.

Magmula nang maglayas ang kanyang elder brother na si Ace ay pinutol na nito ang komunikasyon sa kanilang ama habang si Angeli ay bukas pa ring nakikipag-usap sa ama sa kabila ng ginawa nitong pananakit sa kanya. Katunayan ay nagkita pa sila ng kanyang ama in 2019 nang ito’y dumating ng Pilipinas. Pero hindi na nito magagawa sa kanya ang ginawa nito noon sa kanya dahil hindi na umano niya ito bibigyan ng chance.

Sa ngayon, si Angeli ang tumatayong bread winner sa kanyang pamilya. Nakapagtapos na rin sa kanyang pag-aaral ng kanyang Kuya Ace pero wala pa rin umanong trabaho.

Bago siya nagpa-seksi ay hiningi niya ang basbas ng kanyang ina na nung umpisa ay ayaw pumayag pero sa kalaunan ay pumayag din. Since isang devout born-again Christian ang kanyang mom, nag-pray over umano ito sa kanya bago siya tuluyang nag-showbiz at nagpa-sexy sa kanyang mga pelikula sa bakuran ng Viva.

Over at Viva, si Angeli ay ipinakilala sa sexy movie na “Taya” na pinamahalaan ni Roman Perez, Jr. at kasunod na rito ang kanyang launching movie na “Mahjong Nights” na dinirek ni Lawrence Fajardo. Since then ay sunud-sunod na ang mga movie projects niya sa bakuran ng Viva (all shown on Vivamax na meron nang mahigit 3M subscribers). Nariyan ang “Eva” na dinirek ng singer, actor at director na si Jeffrey Hidalgo, ang “Silip sa Apoy” na dinirek ni Mac Alejandre, at ang “Pusoy” na showing na ngayong May 27 na dinirek ni Phjil Giordano and produced by award-winning director na si Brillante Mendoza. Her other upcoming projects include “Virgin Forest” ni Brillante Mendoza, “Girl Frida”” ni Joel Lamangan, Us x Her” ni Raffy Francisco,” “Mother’s Keeper” na isang series ni Mac Alejandre at iba pa.

The Fil-Korean Viva sexy star is glad na tuluyan na umano siya at ang kanyang elder brother na si Ace nakawala sa kanilang abusive Korean businessman father at unti-unting nakabangon sa tulong ng kanilang ina.

AUTHOR PROFILE