Guo Bamban Mayor Alice Guo

ALICE GUO KAKASUHAN

June 15, 2024 Chona Yu 95 views

SASAMPAHAN ng seryoso at non-bailable na criminal charges ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.

Sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na ihahain ang criminal charges sa Department of Justice (DOJ).

“So, we can expect the charges, criminal charges would be filed against a good number of people on Friday with regards to the Bamban operation,” pahayag ni Casio.

Paliwanag ni Casio, malakas ang ebidensyang hawak ng PAOCC laban kay Guo kung saan nakita ang mga pirma sa maraming dokumento diumano.

Sinusuri na rin ngayon ng PAOCC kung may koneksyon ang illegal activities ng Philippine offshore gaming operation (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.

Sa ngayon, sinabi ni Casio na tuloy ang imbentaryo sa mga sinalakay na POGO hubs para makakalap ng dagdag na mga ebidensya.

AUTHOR PROFILE