Alexa1

Alexa, unang covergirl ng digital video mag ng Star Magic

May 7, 2022 Ian F. Fariñas 486 views

Tuwang-tuwa si Alexa Ilacad na mapili bilang kauna-unahang cover girl niya ng Slay, ang bagong digital video magazine na ilulunsad Star Magic sa kanilang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo.

“Na-inspire tuloy ako na mas mag-inspire pa ng iba at maging boses ng kababaihan at ma-empower pa ang maraming tao,” pahayag ng aktres.

“Grabe ’yung nerbyos ko pero excited din ako. Dream come true ito para sa akin. Alam kong magiging sexy ito pero ang real goal dito ay ipagdiwang natin ang mga kababaihan.”

Aminado si Alexa na magiging sexy ang paglabas bilang cover girl, ngunit para sa kanya ay hindi lang naman isa ang kahulugan ng salitang “sexy.”

“Ang sexy hindi lang naman ’yan sa pagpapakita ng balat. ‘Yung attitude mo ’yan at kung paano mo dadalhin ’yung sarili mo,” sabi ni Alexa, na katatapos lang ng matagumpay na digital fan conference nila ni KD Estrada na Closer.

Para kay Alexa, “Feeling ko ito na ’yung oras ko. Alam ko nasa path pa ako na minamahal ko ’yung sariling katawan ko kaya tinanggap ko itong hamon na ito. Ginagawa ko ito para sa aking sarili at para matulungan ako yakapin yung mga mali sa akin.”

Ginawa ng Star Magic ang Slay para magbigay ng inspirasyon sa mga kababaihan.

Mapapanood ang Slay sa YouTube account ng Star Magic.

Dapat ding abangan ng fans kung sino pa ang mga makakasama niya sa unang isyu ng Slay at kung paano sila magiging bahagi ng pagbuo ng magazine.

Bukod dito, dapat ding abangan ang pagsasama-sama ng ilang Star Magic artists na sina Maris Racal, Jane Oineza, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Maureen Wrob, Zach Guerrero, Michelle Vito, Karina Bautista, Eian Rances, Brent Manalo, Elmo Magalona at Andrea Brillantes pati na sina Esynr Ranollo, Alora Sasam at Pepe Herrera sa pagpapamalas nila ng ganda ng Baler sa Hot Summer in Baler.

Napanood ang unang episode nito nu’ng May 1 (Linggo) sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Magic.

AUTHOR PROFILE