Alexa

Alexa at KD may nabuo sa loob ng PBB house

January 21, 2022 Aster Amoyo 269 views

IF there’s something positive na nangyari sa loob ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, ito ang pagkakaibigan ng dalawang ex-housemates na sina Alexa Ilacad (21) at KD Estrada (18) na sabay na evict on their 71st day sa loob ng PBB house.

Bukod sa sila’y parehong nasa pangangalaga ng Star Magic, mayroon silang common interest – ang musika.

Bago pumasok sa PBB house, si KD ay nagkaroon sila ng relasyon sa isa pang housemate na si Anji Salvacion but it was the young singer-actress who initiated the break-up. Paglabas ng PBB house, nagpatuloy ang komunikasyon nina Alexa at KD at marami ang naniniwala na may special relationship na ang dalawa kung pagbabasehan ang kanilang respective posts sa kanila Instagram accounts.

Although magtu-twenty two na si Alex sa darating na February 26 at sa May 3 pa magna-nineteen si KD, hindi ito hadlang sa kanilang pagiging close.

KD Estrada is Kyle Daniel Estrada in real life at parehong non-showbiz ang kanyang parents. Nagtapos siya ng elementary sa San Beda College at high school sa Meridian International Business, Arts and Technology College (MINT). He started his showbiz career in 2016 bilang Star Magic singer trainee. Bago pa man siya pumasok sa PBB house last October 2021 ay nakapag-release na siya ng apat na songs since 2019 up to 2021 and a duet with Anji.

Sina KD at Anji ay bahagi rin ng The Squad Plus which include the original members ng The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Bukod kina KD at Anji, kasama rin sa The Squad Plus sina Sam Cruz, Jimwell Pacquiao at iba pa.

Since wala na sina KD at Anji at nabaling ang attention ni KD kay Alexa, suportado ngayon ng mga fans ang tandem nila ni Alexa na tinawag nilang KDLex kaya hindi malayong gawing official ng Star Magic ang tandem ng dalawa sa iba’t ibang proyekto be it sa music, TV maging sa pelikula at iba pang platform.

Si KD ay isang singer-composer, recording artist, podcaster at YouTuber at eventually, actor.

Bukod sa kanyang pagiging aktres, si Alexa ay isa ring singer-composer at commercial model. Siya’y nagsimula bilang child actress sa dating long-running gag show na “Goin’ Bulilit’ mula 2008 hanggang 2013. At kasunod na rito ang youth-oriented TV sitcom na “Luv U” kung saan nabuo ang tambalan nila ng young actor na si Nash Aguas (na graduate din ng “Goin’ Bulilit” noon. Sa nasabing programa nabuo ang NLex loveteam. Ito’y nasundan na sila’y pagtambalin sa TV series na “Bagito” kung saan din nila nakabituin si Ella Cruz na sinundan ng “Doble Kara”. Muling nagsama ang dalawa sa “The Good Son” in 2017 at pagkatapos ng serye ay nag-end na rin ang kanilang tambalan nang maging bukas na ang relasyon ni Nash sa dati rin nilang kasamahan sa “Goin’ Bulilit” na si Mika de la Cruz. In 2019 ay nag-solo na si Alexa without a loveteam sa “The Killer Bride” TV series. Nagbida rin siya sa pelikulang “Santigwar” at isa sa mga leads ng “Four Sisters Before the Wedding” na ipinalabas sa Netflix.

Ang tambalan nina Alexa at KD ay isa sa mga inaasahang papalo nang husto sa taong ito.

JoshuaIvanaJoshua pinatos ang dare tungkol kay Ivana

MARAMING netizens ang kinilig nang masalang ang “Viral Scandal” lead actor na si Joshua Garcia sa “Truth or Dare” fund-raising drive ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Odette hosted by Darla Sauler at Alora Sasam. Naging game ang young actor sa mga tanong at dare sa kanya ng dalawa. Nang tanungin siya ni Alora kung si Ivana Alawi ba ang tipong `jojowain’ o `trotropahin,’ jojowain ang sagot ng actor. He was also dared to call Ivana na ginawa naman ng actor.

Unknown to many, crush ni Ivana si Joshua kaya nung nakaraang birthday niya last December ay sinorpresa siya ng isang video birthday message mula kay Joshua na ikinatuwa naman ng top vlogger at sexy star. Sa recent interview kay Joshua, inamin ng actor na text mate na umano sila ni Ivana at may plano umano silang gumawa ng content para sa YouTube pero hindi pa umano ito nangyayari.

Joshua is 24 turning 25 on October 7 habang si Ivana ay katu-twenty five lamang last December 25, araw ng Pasko.

Don PepotDon Pepot napabalitang namatay bago tuluyang namatay

SUMAKABILANG-BUHAY last January 18, 2022 ang veteran actor-comedian at host na si Don Pepot (Ernesto Fajardo) dahil sa pneumonia sanhi ng Covid-19 sa edad na 88.

Don Pepot started his career in the early `60s. Dating radio anchor at writer din siya noon hanggang maging in-demand siya bilang traveling host sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para sa iba’t ibang fiesta at political rallies. Naka-tandem din niya noon ang isa pang actor-comedian na si Apeng Daldal (Serafin Gabriel) na sumakabilang-buhay naman nung February 9, 1992.

Nung siya’y aktibo pa sa kanyang showbiz career ay nakagawa si Don Pepot ng mahigit 100 movies na kanyang sinimulang sa pelikulang “Showbiz” in 1964 na sinundan ng “S2pid Luv,” “Tar-San,” “Bullet,” “I Love Mama, I Love Papa,” “Fiesta Extravanganza,” “The Pig Boss,” “Asyong Aksaya” at marami pang iba. Madalas siyang napapasama sa mga comedy at action movies noon.

Taong 2014 nang mapabalita na `patay’ na umano ang actor-comedian pero agad ito pinabulaanan ni Don Pepot na retired na noon sa kanyang trabaho at namamalagi na lamang sa kanilang tahanan sa Malabon.

ShainaMarami pa ring tinatamaan ng virus sa kabila ng higpit

NAG-NEGATIBO ang latest RT-PCR test ni Shaina Magdayao kaya nagpapalakas na lamang siya para maipagpatuloy ang taping ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Bukod kay Shaina, may ilang cast din ng top-rating and longest-running action-drama series ang tinamaan ng virus at kasama na rito si Rosanna Roces.

Kung tutuusin, napakahigpit na ang health protocol na sinusunod ng iba’t ibang TV and film production na dumadaan muna sa RT-PCR tests and quarantine bago tumuloy sa lock-in taping or shooting pero marami pa rin ang tinatamaan ng virus.

Sa pagsirit ng Omicron variant, napakaraming celebrities ang tinamaan na ang iba sa kanila ay kasama ang mga anak at pamilya.

PaoloPaolo1Paolo paborito ng Viva kahit taga-Star Magic

KAHIT nasa pangangalaga ng Star Magic si Paolo Gumabao, half-brother ng Viva actor na si Marco Gumabao, sunud-sunod ang mga film projects na ginagawa nito ngayon sa bakuran ng Viva na kanyang sinimulan sa pelikulang “Sisid” na pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante `Dante’ Mendoza at palabas sa Vivamax simula nung January 19. Kasama niya sa nasabing pelikula ang 2016 Miss International-turned sexy actress na si Kylie Verzosa, Christine Bermas at dating indie actor na si Vince Rillon.

Si Paolo ay isa rin sa mga lead stars ng pelikulang “Silip sa Apoy” na pinamahalaan ni Mac Alejandre. Tampok din sa nasabing pelikula na nakatakdang ipalabas ngayong January 28 sa Vivamax sina Angeli Khang, Jela Cuenca at Sid Lucero.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE