Alexa

Alexa at KD bagong ibi-build up na loveteam

January 25, 2022 Aster Amoyo 215 views

KUNG established na ang loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano or DonBelle sa kanilang fans magmula nang pagtambalin sila sa hit iWant TFC series na “He’s Into Her” at sa hit digital movie na “Love is Color Blind,” may isa na namang bagong loveteam ang nakatakdang pasikatin ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang project under Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal. Although hindi pa sini-share ng Dreamscape kung anong proyekto ito, ngayon pa lamang ay excited na ang mga fans nina KD at Alexa Ilacad or KDLex to them.

Ngayong maisasakatuparan na ang team-up o loveteam ng dalawa, it excites their fans even more.

Sina Alexa at KD ay naging magkaibigan sa loob ng PBB House at ipinagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan nang sabay silang ma-evict sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 last December.

Iisa ang passion ng dalawang young talents, musika. Pareho silang mahusay na singer-composer na siya nilang common bond at naging daan ng kanilang special closeness.

Alexa is 21 at 19 naman si KD.

Si KD na isa ring YouTuber at podcaster ay tinaguriang “Ang Musical Wonder Boy ng Paranaque” when he joined Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”. He recorded the Mandarin version of Moira de la Torre’s “Mabagal” in a duet with Singaporean artist, Haven. He also composed and recorded other songs tulad ng “Dreams Don’t Wait,” “Saves It,” “One of Many” at “Sa Puso Mo”.

Ang pagku-compose ng kanta para kay KD ay parang pagsusulat ng poem.

Alexa on the other hand is turning 22 on February 26. Tulad ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Alexa is two years older kay KD.

She started as a kid commercial model bago siya naging bahagi ng popular kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”. Growing up, nasubaybayan ng mga manonood ang kanyang transformation into a lovely and talented singer-actress. Bago siya naging bahagi ng PBB ay huling napanood si Alexa sa hit primetime TV series na “Init sa Magdamag” kung saan sila nagsama ng young Kapamilya actor na si Gab Lagman. Ang nasabing serye ay pinagbidahan nina Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman na nagtapos sa ere nung September 10, 2021.

Sa mga susunod na araw, tiyak na may detalye na ang unang proyekto na pagsasamahan nina Alexa at KD under Dreamscape Entertainment.

MaricelMaricel may gagawing international movie

DIAMOND Star Maricel Soriano (56) will join the cast of an international movie “Re-Live: A Tale of An American Island Cheerlleader” na pagbibidahan ng dalawang Filipino-American actresses na sina Rain Valdez at Rachel Leyco who co-wrote the story at magsisilbing directorial debut ni Rain.

Gagampanan ni Maricel ang role ni Thelma, ina ng magkapatid na sina Rowena (Valdez) at Rochelle (Leyco). Si Rowena ay isang transgender movie star in the movie.

Ang pelikulang “Re-Live” ay nakatakdang simulan sa buwan ng November 2022 at kukunan sa dalawang isla ng Amerika, Hawaii at Guam.

Honored naman si Maricel na siya ang napili to play the role of the mother ng dalawang lead stars ng pelikula na sina Rain at Rachel in an international movie.

Si Maricel ay huling napanood sa hit primetime drama-revenge series na “Ang Iyo ay Akin” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby na nagtapos nung March 19, 2021.

Although sa November pa ang simula ng shooting ng “Re-Live,” ang pagkakasama ni Maricel sa nasabing international project ay magsisilbing advance birthday blessing sa kanya. The Diamond Star will celebrate her 57th birthday on February 25.

RabiyaRabiya tuluy-tuloy na ang pag-aartista

2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo is debuting as a Kapuso actress sa action-adventure-fantasy weekly series na “Agimat ng Agila: Season 2” na pinangungunahan ng action-star at senador na si Ramon `Bong’ Revilla, Jr. na muling mapapanood sa darating na Sabado, January 29 at 7:15 p.m. Tampok din sa nasabing serye sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Gardo Versoza, Betong Sumaya, Kim de Leon at iba pa mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Rabiya will be playing the role of Interpol agent Asha Raj at mapapasabak siya sa mga action scenes. Bago nagsimula ang taping ng “Agimat…” ay pinaghandaan ng dating beauty queen ang kanyang gagawing action scenes. Sumailalim siya ng training sa action director ng serye na si Erwin Tagle. Kumuha rin siya ng boxing classes.

The 25-year-old former beauty queen and physical therapist signed up with GMA last November 2021 at ngayon pa lamang ay excited na siya sa kalalabasan ng kanyang acting debut sa telebisyon.

Hindi ikinakaila ni Rabiya na pinangarap umano niyang mangibang bansa after her reign as 2020 Miss Universe Philippines para doon magtrabaho at ma-practice niya ang kanyang tinapos na Physical Therapy. Pero nabago ang lahat nang siya’y makatanggap ng offer mula sa Kapuso Network.

Si Rabiya ay maihahanay na sa maraming beauty queens na naging aktres sa pangunguna mismo ng kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas na si Gloria Diaz. Nariyan din sina Pilar Pilapil, Aurora Sevilla, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Joanne Quintas, Alice Dixson, Charlene Gonzales, Miriam Quiambao, Precious Lara Quigaman, Maxine Medina, Kylie Verzosa, MJ Lastimosa, the late Rio Diaz, Michelle Dee, Ruffa Gutierrez, Winwyn Marquez, Isabelle de Leon among others.

Samantala, masuwerte ang actor-politician na si Bong Revilla dahil siya ang nakauna kay Rabiya bilang kapareha sa acting debut nito.

HeartHeart1Heart nasa Paris para sa Paris Fashion Week

THIRTY-six-year-old singer-actress, painter, commercial model and fashion icon Heart Evangelista is currently in Paris, France for the Paris Fashion Week. She also announced in her Instagram account na bahagi na rin siya ng Dior family.

“Ecstatic to spend my time here in Paris with a brand that has always been close to my heart Merci@dior, for making me part of your ever-growing family! Can’t wait for mademoiselle @mariagraziachiuri’s masterpieces#dior#diorcouture” post ni Heart.

Sa picture kung saan suot ni Heart ang dalawang necklace na may dalawang heart pendant, narito ang kanyang post, “Wearing two @royalgem.ph necklaces close to my heart. So happy that I was able to customize these pieces—from the ltter carvings to the gemstones surrounding each gold pendant. Beautifully made, don’t you think?”

Si Heart ang kaisa-isang Filipina celebrity na kilala ng top major brands in Paris. Bukod sa Dior, nariyan ang Louis Vuitton, Versace, Hermes, Chanel, Lancome, Yves Saint-Laurent, Givenchy, Cartier at iba pa.

Upon her arrival in Paris, agad siya sinalubong ng Dior with a special gift.

Bukod sa Paris Fashion Week, naiimbitahan din si Heart sa New York Fashion Week, acknowledging her as one of the top Filipino fashion icons.

In one of her recent statements, sinabi ni Heart na malamang na last TV series na siya ang “I Left My Heart In Sorsogon” sa GMA because she will be focusing her attention sa iba niyang interes pero hindi niya klinaro kung ano ito.

Sa kabila ng pagkakaroon ni Heart ng independent career, hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi niya susuportahan ang kandidatura ng kanyang politician husband na si Chiz Escudero in his comeback bid sa Senado.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE