Alexa

Alexa and KD open sa kanilang relasyon

February 2, 2022 Aster Amoyo 320 views

MATAPOS ma-evict sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition sina Alexa Ilacad at KD Estrada, the two continued their special friendship outside the PBB house. The young pair is now considered the break-out stars ng PBB and fast rising loveteam to watch out for.

Since music ang kanilang common ground, madaling nagkasundo ang dalawa.

Next to DonBelle team-up nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mukhang ang tambalan nina KD at Alexa ang susunod na aalagwang loveteam sa taong ito lalupa’t may naka-line-up na silang iba’t ibang proyekto, a TV series na binubuo ng Dreamscape Entertainment, a duet song and their first “Closer: The KDLex FanCon” sa darating na February 26 (Saturday) which will be streamed on KTX.Ph na itataon sa 22nd birthday ni Alexa. KD is turning 19 on May 3.

Although sa loob ng PBB house nabuo ang friendship nina KD at Alexa, mukhang nasa next level na ng kanilang friendship ang dalawa na parehong open sa kanilang nararamdam for each other.

Alexa and KD just recorded their duet song na pinamagatang “Misteryo” under StarPop label ng Star Music.

YamyamYamyam magiging tatay na

TWENTY-eight-year-old Pinoy Big Brother: Otso big winner Yamyam Cucong (William Goc-Ong) is an expectant father to a baby girl with his non-showbiz fiancée na si Elaine Toradio. The two got engaged last October 2021 at nung nakaraang December 2021 ay ipinaalam ng couple na magkakaroon na sila ng baby kaya na-push back ang plano nilang pagpapakasal.

Kahit hindi nakapagtapos sa kanyang pag-aaral dahil sa kahirapan, ginamit ni Yamyam ang bahagi sa P2-M niyang napanalunan sa PBB at kinita bilang actor-comedian para mabigyan ng bahay ang kanyang pamilya at makabili ng sasakyan. Nakapagpatayo pa siya ng sariling bakeshop business, ang Yamito’s Bakeshop sa kanyang hometown sa Inabangan, Bohol na kanyang binuksan on his 26th birthday nung December 8, 2019. And three months later ay muli siyang nagbukas ng pangalawang branch ng kanyang bakeshop business sa Ubay, Bohol nung March 8, 2020.

Ilan sa mga bumati kina Yamyam and his fiancée na si Elaine ay ang mga kasama niya sa Top 4 ng PBB: Otso na sina Lou Yanong, Fumiya Sankai at ang ex-boyfriend ni Lou na si Andre Brouillette. Sa kanilang apat, si Fumiya ang naging close friend ni Yamyam na nakabalik na ng Japan.

RusticaRustica pumanaw na

PUMANAW na ang award-winning veteran stage-film and movie actress, singer, scholar, educator, playwright at philanthropist na si Rustica Carpio kahapon, February 2, 2022 sa edad na 91.

Si Rustica ay unang nagtapos ng kanyang Associate Degree in Commercial Science at the Polytechnic University with honors. Then took her Bachelor of Arts, major in English at the Manuel L. Quezon University (MLQU) where she graduated magna cum laude. Then lumipad siya ng New York for her graduate studies in education in 1986 at siya’y nag-aral sa Steinhardt School of Culture Education and Human Development. She also took up her PhD in Literature at the University of the Philippines.

The veteran actress was already 45 nang pasukin niya ang acting job sa pamamagitan ng critically-acclaimed movie na “Nunal sa Tubig” directed by the late National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal. Ang nasabing pelikula ay tinampukan nina Elizabeth Oropesa, the late George Estregan, Daria Ramirez kasama sina Tony Carreon, Tita de Villa, Carlos Padilla, Jr, Ella Luansing at iba pa.

Ang iba pang memorable and award winning movies na ginawa ni Rustia ay ang “Aliw” in 1979, “Bona” in 1980, “T-Bird at Ako” in 1981, “Moral” in 1982,” “Dapitan” in 1997, “Lola” in 2009, “Captive” in 2012 at “Circa” nung 2019, her last movie.

She won her first international Best Actress plum in 2010 sa pamamagitan ng “Lola” sa Las Palmas International Film Festival in Spain. Ang nasabing pelikula ay dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza. The same movie gave her Best Actress award mula sa Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP). The following year in 2011 ay siya ang ginawaran ng Crystal Simorgh Best Actress mula sa Fair International Film Festival in Iran. Siya rin ang tinanghal na Best Actress ng ENPRESS (Entertainment Press) Award nung 2014 para sa pelikulang “Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?”. She also won Best Supporting Actress mula sa 9th Gawad Tanglaw for the movie “Tarima”.

In 2010, ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award ng FAMAS at nakatanggap pa rin siya ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies bilang pagkilala sa kanya hindi lamang bilang aktres kundi maging sa iba pang sining tulad ng Ani ng Dangal Award mula sa National Commission for Culture and Arts para sa pelikulang “Lola”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagrama and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE