Paulina

Alex, sabik magkaroon ng sariling anak

August 14, 2023 Vinia Vivar 127 views

Ipinakita ni Toni Gonzaga ang second baby nila ni Direk Paul Soriano na si Paulina Celestine.

Sa kanyang latest Instagram Story ay nag-post si Toni ng larawan ng panganay nila na si Seve katabi si Baby Paulina na nasa crib.

Sa background ay makikita ang welcome home balloons which means nakauwi na ng bahay ang TV host with her daughter.

Medyo malayo ang kuha ni Baby Paulina kaya hindi pa ma-sight ang face.

Matatandaang ipinanganak ni Toni si Baby Paulina last Aug. 11 at 2:05 p.m.

Base na rin sa IG post ni Direk Paul, si Baby Paulina ay may timbang na 6.8 lbs.

Samantala, sa IG Story naman ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga ay sinabi niyang dinalaw na niya ang kaluluwal na pamangkin kasama ang mister niyang si Mikee Morada.

Bukod dito ay dumalo rin sila sa 1st birthday ng pamangkin ni Mikee.

Sa kanyang caption ay obvious na medyo naging emosyonal si Alex.

“Coming home from our (niece’s) first birthday and visiting Ate’s new baby.

“Today we celebrated and visited our siblings’ babies. It just hit me when we were watching TV together before we sleep. Always have faith (praying hands emoji),” ani Alex.

Dagdag pa niya, “One day, we will not end a happy day with just the ‘two of us.’

Obviously ay nasasabik na rin si Alex na magkaroon sila ng sariling baby ni Mikee.

AUTHOR PROFILE