Alex

Alex, pinalalayas sa Threads!

July 9, 2023 Vinia Vivar 176 views

Nasundan na ng bashers si Alex Gonzaga sa bagong social media application ngayon na Threads.

Hayun at binabanatan na siya roon at pinapalayas ng mga netizen.

Nag-join na nga si Alex sa Threads at isa sa mga unang post niya ay “May this app be FUN and please no more toxic vibez.”

May bashings na agad itong natanggap at mukha ngang binura ni Alex ang post na ito dahil wala na sa kanyang page.

Pero nakunan naman ang screenshot nito ng ilang netizens at sa Twitter sila nagdiskusyon.

Sabi ng isang netizen, “alis ka please.”

Komento naman ng isa pa, “dun ka sa malayo ate or want sa laot dun ka mangdikya hahah.”

Ayaw pa rin talagang tigilan ng bashers si Alex. Mukhang sariwa pa rin kasi sa alalala nila ang ginawa ni Alex na pamamahid ng cake sa isang waiter at tila hindi pa rin siya napapatawad ng mga tao dahil dito.

May mga nag-reply din kasi ng screenshot ng nasabing insidente at ipinapalaala sa ibang netizens ang ginawa ni Alex.

AUTHOR PROFILE