Alex

Alex, nagsisikap bumangon sa pagkawala ng baby

October 23, 2021 Vinia Vivar 77 views

Nagsisikap nang makabangong muli si Alex Gonzaga matapos ang hindi pagkakatuloy ng first baby nila ni Mikee Morada.

Makikita sa kanyang latest Instagram posts na tuloy pa rin ang buhay at pinipilit na niyang bumalik sa kanyang normal activities.

Nagkaroon din siya ng live streaming sa kumu at nagkwento nang kaunti sa kanyang pinagdaanan.

Makikita ritong nakakapagbiro na rin siya na tulad nang dati.

Kwento ni Alex, bago pa man sabihin ng doktor that she had blighted ovum or anembryonic pregnancy ay parang nararamdaman na niya ito kaya iyak na siya nang iyak.

Feeling niya that time ay pine-prepare siya ni Lord at ‘yun naman daw talaga ang pinagdasal niya.

Hindi nga raw niya masabi sa iba na na mayroong laman ang kanyang sinapupunan dahil parang may bumubulong daw sa kanya na “it’s not the right time.”

Aminado naman si Alex na talagang napaka-painful sa kanya ng nangyari at hindi niya na rin alam kung paano niya nakakaya.

“Parang ‘yun ang grace of God. ‘Yun ‘yung hindi mo ma-explain paano mo nagagawa pero nagagawa mo,” aniya.

Naniniwala rin siyang may dahilan ang Panginoon kung bakit ito nangyari at ang pananalig sa Kanya ang kanilang pinanghahawakan.

Humingi rin ng paumanhin si Alex sa kanyang followers na inilihim niya ang pregnancy dahil hinintay muna raw niya na matapos ang proseso.

Nagpasalamat din si Alex sa lahat ng suporta at pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.

“Parang minsan naiiyak na lang ako mag-isa kasi I always feel your love and you are all God’s instrument or parang ginagamit kayong lahat ni Lord para sabihin sa aking ‘you’re okay, maraming nagmamahal sa ‘yo.’

“Hindi nyo nalalaman na ‘yung simpleng message nyo, ‘yung simpleng ‘I love you. Kapit lang. Kaya mo yan. I’m praying for you’… Thank you for being an instrument of the Lord’s love,” pahayag ni Alex.

AUTHOR PROFILE