Alex and Toni Gonzaga

Alex, isinalang ni Toni sa surot

December 5, 2021 People's Tonight 58 views

Second movie together ng magkapatid na Alex and Toni Gonzaga ang horror-comedy flick na The Exorsis na isa sa official entries sa 47th Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Pangalawang MMFF movie na rin nila ito dahil ang una nilang movie together na Mary, Marry Me ay kasama rin sa festival noong 2018.

This time, malaking challenge nga ang hinarap nila sa The Exorsis dahil ginawa nila ito habang pandemic, naka-lock-in sila with all the safety protocols.

Pero ayon kay Toni, sobrang nag-enjoy din siya sa shooting at ito raw ang isa sa pinakamasayang experience niya last year.

Sobrang saya raw nila sa kanilang mga bonding moment habang naka-lock-in.

Kwento pa ni Toni, hindi nga raw sila nag-away ni Alex habang ginagawa ang film unlike sa first movie nila na away sila nang away.

“Nu’ng una naming MMFF, marami kaming away, pero dito talaga, kung kelan kami na-lock-in, talagang sobrang hindi kami nag-aaway,” sabi ni Toni sa ginanap na digital mediacon para sa movie.

“Hindi naman kami nag-aaway ni Alex na sobrang lala. I mean, ‘yung mga maliliit na bagay na nagkakainisan kami, hindi kami masyadong ganu’n dito.

“Happy kami, same kami ng kwarto. Parang mas nagkaintindihan kami dito sa pelikulang ito,” dagdag niya.

Pero kwento ni Alex, may time na nainis din siya sa ate niya nang papuwestuhin siya sa maraming insects.

“May isang time na parang ‘yung ini-stay-an namin, may mga insect, sabi ng ate, pumuwesto raw ako ru’n sa may insects. Pero ‘di ko na lang siya pinansin. Sabi ko, ‘o, ayokong mainis.’

“Sabi niya, pahalang daw kami, tapos ‘yung ulo namin, nandito ‘yung mga insect. Sabi niya, ‘Catherine, ganito gawin natin. Ikaw dito, tapos dito ’ko, pahalang tayo.’ Sabi ko, ‘ha?’ Sabi niya, ‘ganu’n na lang posisyon natin.’ Sabi ko, ‘ah, alam ko na ‘to, gusto niya akong maging frontliner ng mga insect,’” kwento ni Alex.

Natatawang paliwanag naman ni Toni, “Kasi may surot sa kama.”

Sey naman ni Alex, “Ginawa niya akong pain.”

Samantala, isa rin si Toni sa producers ng The Exorsis at masayang-masaya siya na nakapasok sa MMFF 2021 ang movie.

Co-produced by Viva Films, showing na ang pelikula sa mga sinehan sa Dec. 25.

Kasama rin dito si Melai Cantiveros, na ayon sa magkapatid ay lucky charm nila dahil kasama rin nila ito sa Mary, Marry Me.

Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Fifth Solomon.

MANA SA LOLO

Kahit baby pa, mababakas na ang pagkakahawig ng bunso nina Iwa Moto at Pampi Lacson sa lolo nito na si Senador Ping Lacson.

Nag-post kasi ni Iwa sa Instagram ng pictures ng kanyang bunso at biyenan na si Sen. Ping, at makikita nga naman ang pagkakahawig ng maglolo.

Ang paliwanag ni Iwa sa caption ng picture, madalas kasi siyang manood ng mga interview ng matapang na senador noong ipinagbubuntis niya ang bunso nila ni Pampi.

Marami naman sa followers ni Iwa ang agree na parang pinagbiyak na bunga ang maglolo.

Kasama sa pagiging family man ng senador ang pagiging mahilig sa mga bata kaya giliw na giliw siya sa kanyang mga apo.

Dati nang sinasabi ni Senador Ping na ang lahat ng kanyang ginagawang pagmamalasakit sa bayan, tulad ng paglaban sa kriminalidad at katiwalian, ay para sa susunod na henerasyon o ang mga bata.

Siguro kapag siya ang nahalal na pangulo sa May 2022, hindi lang siya magiging lider at ama, kundi magiging lolo rin ng bayan.

AUTHOR PROFILE