Alex

Alex, ibinalandra ang retokadang ilong

December 15, 2023 Vinia Vivar 383 views

Inanunsyo ni Alex Gonzaga sa social media na finally ay nagparetoke na siya ng ilong sabay pakita ng larawan niya with her new nose.

Ayon kay Alex, ilang taon din niyang pinag-isipan ang pagpapagawa ng ilong and finally decided na i-go na ito.

“I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose!” sey ni Alex.

May hashtag na #Belo ang post niya sa dulo kaya we guess na nagpagawa siya ng ilong kay Dra. Vicki Belo.

Ang nasabing post ay umani ng katakut-takot na ‘likes’ and comments kabilang na ang mga kapwa-celebrity. Halos lahat ay nagsabing bagay kay Alex ang bagong ilong at lalo siyang gumanda.

Comment ni Zeinab Harake, “ganda ganda mo lalo.”

Sabi naman ni Fifth Solomon, “love it.”

“Omg nagpagawa ka nose??? So pretty!!!” papuri naman ng isang netizen.

“Maganda ka na nga Lalo pa gumanda. Ano na lang papel naming mga di kagandahan? Mananakot na lang kami?” sey naman ng isa pa.

“Walanjo, Alex parin yung mukha hehe walang pinagkaiba sa face mo pero mas lalo kang gumanda. Maybe because matangos na ilong mo even before pa? pero mas pinaayos mo lang lalo nose mo ngayon.. Mas lalo kang gumanda sa totoo lang. Bagay sayo,” komento naman ng isang follower.

“I knew it!!! Gandaaaa,” sabi naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE