Alex

Alex G. tutok-suporta sa asawang kandidato

December 10, 2024 Ian F. Fariñas 89 views

Pagsuporta sa kandidatura ng asawa ang focus ngayon ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Ibinahagi niya ito sa Christmas Party for a Cause ng entertainment editors (Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd) noong December 2 sa Rampa Drag Club, Quezon City.

Kasama niya ang politician-husband na si Mikee Morada, konsehal ng Lipa City, Batangas, na tumatakbong vice mayor ng naturang lungsod.

“First ko lang yata naipakilala sa mga taga-SPEEd, editors, press people — ang asawa ko. Kasi nagpakasal kami, pandemic,” ani Alex.

Lie low muna siya ngayon dahil gusto niyang mag-focus sa kanila ni Mikee. Kaya may tinatanggihan na siyang offers.

“Siyempre, thankful tayo. Pero ang iniisip ko pa rin is ’yung asawa ko at we’re trying to have a baby. Ayokong mawala sa focus… ’Yun ang priority,” sabi naman ni Mikee.

“‘Yun muna — starting a family, building a family. Medyo mahirap pagsabayin…,” saad pa ni Alex.

Aminado siya na nag-mellow na siya ngayon, mas behave na’t tapos na siya sa mga kung anu-anong pinaggagawa niya nu’ng kabataan niya.

Sabi naman ni Mikee, “Alex will always be Alex… Pero mas careful na siya ngayon.”

Biro ni Alex; “Sa kanya na lang ako nagiging naughty.”

Consistent actress sa pagiging isa sa mga nangunguna, pinakamalakas na vlogger ng bansa at lalo pang nadagdagan ang subscribers niya.

Ipinagmamalaki ito ni Mikee.

“Kasi nakita ko kung paano niya inumpisahan ’yung vlog, nu’ng nanliligaw pa lang ako. Iyun ang pinakauna niyang vlog. Hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-e-edit at inuupuan niya ang lahat. ‘Pag nakita mo ‘yun, talagang mapa-proud ka sa kanya,” sabi pa ni Mikee.

Kaya okay na raw muna si Alex sa vlogging at gusto niyang mag-focus sa pagsuporta sa pangangampanya ng asawa.

Ganunpaman, hindi pa rin niya isinasara ang posibilidad na pasukin ang pulitika, pero umiiling si Mikee. Mas mabuti aniya na nasa showbiz na lang ang may-bahay niya.

“Hindi muna tayo magsasalita nang tapos. As of the moment, nag-e-enjoy akong sinusuportahan ko lang si Mikee,” ulit ni Alex.

Hindi na siya nagpapaapekto sa ilang binubuhay ang mga isyu niya noon.

“It’s part of the consequence ng pagiging childish at immature ko noon. What’s important is lagi akong nire-remind ng asawa ko, my family na you know your mistakes and you’re trying to improve, trying your best na hindi na ulitin pa. At nakikita namang nagbabago ka. Nagma-mature, hindi forever bagets, hindi forever makulit,” pagtatapos ni Alex.

AUTHOR PROFILE