Alden

AlDub, dadalhin ni Alden sa pagtanda

January 11, 2022 Ian F. Fariñas 416 views

PARA kay Alden Richards, “life-changing” ang pitong taon na pagiging bahagi niya ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

As everyone knows, mula nga naman nang pumasok siya sa programa, eh, marami at malaki na ang nabago sa buhay at karera niya.

Du’n talaga siya nakilala bilang Pambansang Bae at naging bahagi ng phenomenal loveteam na AlDub nila ni Maine Mendoza ng Kalye Serye segment.

Sa virtual mediacon para sa muling pagpirma ng kontrata ng Eat Bulaga sa Kapuso network kahapon, sinabi ni Alden na, “Walang burn out sa Eat Bulaga pero sa ibang ginagawa ko, meron. Sa Eat Bulaga kasi, hindi ko kinu-consider na trabaho. Life-changing ang Eat Bulaga sa akin. Ang laki ng nabago sa buhay ko. Phenomenal po and life-changing talaga.

“Ever since pumasok po ako sa Eat Bulaga and after po ng… the past seven years I’ve been with them, sobrang dami pong magagandang nangyari sa buhay ko. Malaki po ang utang na loob ko sa show, sa mga tao pong tumanggap sa akin, especially TVJ, kay Mr. Tuviera po (TAPE, Inc. big boss), saka po kay Ma’am Jenny (Ferre, headwriter). So talagang nakita ko po kung paano nila ako alagaan, paano nila ako turuan, kung paano nila ako bigyan ng importansiya. Kaya sobrang thankful po ako na naging part po ako ng show.”

Dagdag niya, ang tagumpay ng AlDub ang isa sa highlights ng EB journey niya na hinding-hindi niya makakalimutan at dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtanda.

AUTHOR PROFILE