Alden tanggap na ng pamilya ni Kathryn

October 9, 2024 Aster Amoyo 209 views

Alden1Alden2MUKHANG nakuha na rin ng Kapuso prized actor na si Alden Richards ang loob ng pamilya ni Kathryn Bernardo lalung-lalo na ang ina ng Kapamilya superstar na si Min Bernardo maging ang mga pamangkin ng actress na sina Lhexine at QQ. Isa itong indikasyon na tanggap ng pamilya ni Kathryn ang binatang Kapuso actor.

Palagay na ang loob ni Mommy Min kay Alden maging ang mga apo nito lalung-lalo na ang bunsong si QQ.

It was on Kathryn’s 28th birthday nung nakaraang March 2024 nakita ang closeness nila ni Alden na unang nagtambal sa top-grossing film na “Hello, Love, Goodbye” nung 2019. Muling magkatambal ang dalawa sa sequel ng pelikula, ang “Hello, Love, Again” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide maging sa ibang bansa sa darating na November 13, 2024. Ito’y pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana at joint venture ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ng GMA Network.

Since na-surpass ang 2019 record-breaking movie nina Kathryn at Alden na “Hello, Love, Goodbye” ng pelikula ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Rewind” nung 2023 Metro Manila Film Festival, posible umanong ma-reclaim ng dalawa ang kanilang record nung 2019 lalupa’t iba na ang pagkakaibigan ngayon ng KathDen unlike nung 2019 na very much on pa noon sina Kathryn at dati nitong boyfriend na si Daniel Padilla.

Since malapit na ang showing ng bagong movie nina Kathryn at Alden, nagsimula nang mag-promote ang dalawa including mga mall show at mas madalas na magkasama ngayon ang dalawang bida ng “Hello, Love, Again”.

Alden is 32 and turning 33 on January 2, 2024 habang si Kathryn naman is turning 29 on March 26 next year. Bukod sa kanilang respective careers, pareho na ring established entrepreneurs ang dalawa at nasa tamang edad na rin para magkaroon ng sariling pamilya.

Kahit nung magkasintahan pa noon sina Kathryn at Daniel ay sinabi ng actress na gusto niyang magkapamilya before she turns 30 at sa isang taon ay 29 na siya. Tuparin kaya ito ni Kathryn at si Alden na nga kaya ang magiging future partner ng dalaga?

For now, nasa guessing stage pa rin ang mga tagahanga nina Kathryn at Alden tungkol sa tunay na status ng relasyon ng dalawa pero masaya umano sila sa kanilang nakikitang sweetness ng mga ito.

Maja mas na-appreciate ang ina matapos manganak

RamboRambo1SINGER, actress, dancer, host and entrepreneur Maja Salvador celebrated her 36th birthday last October 5, 2024 bilang first time mom sa kanilang first baby ng kanyang non-showbiz and entrepreneur husband na si Rambo Nunez na si Maria Reanna na isinilang nung May 31, 2024 sa Canada, automatically making her a Canadian citizen. Sa Canada naka-base and mother ni Maja na si Thelma Andres. And Maja wants her mother to be around when she gives birth to her first baby.

Aminado si Maja na nag-iba umano ang kanyang naging pananaw sa buhay shen she became a mom at mas lalo umano niyang na-appreciate ang kanyang ina at iba pang mga mother dahil hindi madaling mag-buntis, manganak at mag-alaga ng baby. Maging ang responsibility at priority nilang mag-asawa ay naiba rin dahil si Maria umano ang sentro ngayon ng kanilang pagmamahalan bilang couple.

Twenty one si Maja nang una niyang maging kasintahan si Rambo pero umabot lamang ng halos apat na buwan ang kanilang relasyon at nagkahiwalay sila to concentrate on their respective careers. Pero eight or nine years later ay muling nag-krus ang kanilang mga landas and this time ay pareho na ring silang nag-mature at established na rin sa kanilang respective careers. They gave themselves another try na nauwi sa kanilang engagement nung April 17. 2022. The couple had a secret civil wedding nung February 14, 2023 na sinundan ng kanilang Bali, Indonesia wedding nung July 31, 2023. December 1 of same year ay in-anunsyo naman ng couple that they’re expecting their first child na isinilang nung May 31, 2023.

Last September 14, 2024 ay bininyagan naman si Maria Reanna na dinaluhan ng maraming stars and celebrities as godparents which include Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, ABS-CBN president and CEO na si Carlo Katigbak, Darren Espanto, Dr. Aivee Aguilar-TEO, Janella Salvador, Kakai Bautista, Adrian Alandy at iba pa.

Magiging masaya naman ang Christmas celebration ng mag-asawang Rambo at Maja ngayong may baby na silang kasama na si Maria.

Bong tatakbo bilang konsehal, gusto sumali sa ‘Batang Quiapo’

BongSA unang pagkakataon ay tatakbo sa pagka-konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila ang dating basketball star, actor at ex-husband ng actress na si Almira Muhlach na si Paul `Bong’ Alvarez.

Kasama siya sa tiket ni dating Manila Mayor Isko Moreno na muling tatakbo sa pagka-alkalde ng siyudad na kakalabanin ang dati niyang vice-mayor at ngayon ay incumbent as mayor of Manila na si Honey Lacuna.

Sa aming exclusive na panayam kay Bong Alvarez for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin nito na dumaan din umano siya sa madilim na buhay nung 2017 nang siya’y matimbog sa droga at makulong ng ilang buwan. Ito’y bunsod umano sa kanilang paghihiwalay na mag-asawa na nakabuo ng tatlong anak na pawang babae at ang panganay ay si Alyssa Muhlach Alvarez na isang beauty queen at singer-actress.

Pagkalabas niya ng kulungan ay itinama na niya ang kanyang buhay at bumawi sa kanyang mga anak na super close sa kanya ngayon.

“Gusto kong bigyan ng kredito si Almira na napalaki niya ang mga anak namin na mababait, magalang at may takot sa Diyos,” pag-amin ni Bong na nasa puso ang paglilingkod sa kanyang kapwa.

Aminado si Bong na siya’y original na `Batang Quiapo’ dahil dito umano siya isinilang at lumaki ng kanyang Ilocano parents.

Looking forward din ang dating basketball star at actor na si Bong na gusto umano niyang makatrabaho si Coco Martin kung magkakaroon ng pagkakataon.

Transman na si Jesi Corcuera buntis ngayon

JesiJesi1KUNG inyong matatandaan, si Jesi Corcuera ay unang sumali sa reality talent search ng GMA, ang Starstruck nung 2006 at naging kapartner pa ng actor na si Paulo Avelino. At that time ay babae pa siya.

Nung 2016 ay muling sumali si Jesi sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” ng ABS-CBN and this time ay isa na siyang transman.

Si Jesi ay may kasalukuyang partner na si Camille na may mga anak sa dati nito karelasyon. Inako ni Jesi ang responsibility bilang `ama’ ng mga bata. At dito niya umano na-realize na gusto niyang magkaroon ng sariling anak at sarili niyang dugo kaya kinunsider niya ang IVF procedure.

Ipinabubuntis ngayon ni Jesi ang kanyang magiging unang supling kahit isa siyang transman at hindi umano magbabago ang pagtingin niya sa mga anak ng kanyang partner na si Camille kahit magkaroon siya ng sarili niyang anak.

Weird mang tingnan para sa iba, ito’y dahil sa sariling kagustuhan ni Jesi na magkaroon ng sariling anak.

KC masaya dahil sa pagsasamang muli nina Sharon at Gabby kahit sa concert lang

KCHINDI ikinakaila ng nag-iisang anak ng dating mag-asawang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na si KC Concepcion na masaya umano siya para sa kanyang parents na magkaibigan muli at nagkasundong magka-trabaho sa kanilang successful “Dear Heart” concert which is now bringing them to the US at iba pang lugar.

Although matagal nang hiwalay at may kani-kanya nang pamilya ngayon, looking forward pa rin si KC na muling magka-trabaho ang kanyang estranged parents sa pelikula kung saan sila unang nagkalapit.

At to KC, hindi nito ikinakaila na nami-miss pa rin niya ang acting hanggang ngayon at umaasa siyang muli siyang makakagawa ng teleserye at pelikula balang araw.

Celebrities na kakandidato, dumarami pa

TIYAK na marami pang hahabol na mag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa last day of filing sa araw ng ito ng Martes, October 8, 2024 at kasama na rito ang ilang personalidad from showbiz.

Noong Linggo ay nag-file ng COC sa Sta. Cruz, Laguna ang dating ‘That’s Entertainment’ star na si Gem Castillo bilang kandidato sa pagka-bise gobernador ng Laguna, ka-tandem ang kongresista ngayon na si Dan Fernandez bilang gobernador.

Kakandidato namang mayor ng Bay, Laguna ang aktor na si Emilio Garcia.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE