Sharon

Alden, sabik sa parada

July 12, 2023 Vinia Vivar 323 views

Masayang-masaya si Alden Richards na nakasali ang pelikula nila ni Sharon Cuneta na A Mother and Son’s Story sa Metro Manila Film Festival 2023.

Sa bagong social media platform na Threads ay nag-post si Alden ng kanyang nararamdaman.

Aniya, matagal-tagal na siyang walang MMFF movie at excited siya na magparada ulit sa MMFF Parade of Stars.

“See you guys sa December! Been a while since my last MMFF. Magpaparada ulit tayo! Thank you LORD!” ani Alden.

Pati ang followers niya ay excited na rin.

Anila, napakagandang Christmas gift sa kanila ang Alden-Sharon movie.

AUTHOR PROFILE