Alden

Alden sa bashers: Bagu-bago din po, magnu-New Year na

November 18, 2021 Ian F. Fariñas 256 views

NGAYONG magbubukas na ang Season 2 ng trending Kapuso series na The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith sa November 22, nalalapit na ring magbakasyon grande ang aktor para mag-celebrate ng Pasko, Bagong Taon at kaarawan (January 2) sa San Francisco, California.

Yes, hanggang January 2022 nga mag-i-stay si Alden sa Amerika kasama ang pinsan niya na taga-Surigao.

Bale ito ang kauna-unahan niyang international trip mula nang mag-lockdown ang buong mundo dahil sa Covid-19 pandemic, kaya excited pero at the same time malungkot ang aktor na hindi makakasama ang kanyang buong pamilya sa mahaba-habang break.

Sa virtual mediacon para sa season return ng TWBU, sinabi ni Alden na nagkaroon ng backlog sa visa application sa embassy kaya hindi nakakuha ng visa ang pamilya niya.

Bukod tanging ang pinsan daw na makakasama niya ang may visa kaya naman sila lang ang matutuloy bumiyahe pa-Amerika.

Anyway, sa nasabi ring online interview sa TWBU cast ay sinagot ni Alden ang ilang pambabatikos sa naging desisyon ng GMA na papagpahingahin ang serye.

Aniya, “Well, in reality po talaga dito sa industriya natin, lalo now with social media, people are really entitled to their opinions but we cant help it. And kami naman po, we use that as an inspiration. We, as creators, we use that as an inspiration to make our projects and the things that we are committed to better and pleasing to other people who support us naman.

“So, ako naman po, parang instead of sayangin po nila ang oras nila sa mga bagay po na ganyan, mag-focus na lang po sila sa ibang bagay, focus on themselves rather than putting other people down and other projects down na hindi nagsu-surpass sa expectations nila.

“Kasi at the end of the day, we know to ourselves, us, being in this project, that we did a good job, a great job rather, na maipakita at maipagpatuloy ang istorya ng The World Between Us.

“So, God bless na lang po sa kanila, Merry Christmas at Happy New Year! Bagu-bago din po, magnu-New Year na,” panawagan ni Alden sa bashers.

AUTHOR PROFILE