Alden, nanawagan para sa herd immunity

July 24, 2021 Ian F. Fariñas 51 views

BAKUNADO na rin ang Pambansang Bae na si Alden Richards at gaya ng iba pang sikat na celebrities, sa kanyang Instagram post kahapon ay nanawagan ang aktor na magpabakuna ang publiko para ma-achieve ang herd immunity laban sa perwisyong Covid-19.

Caption ng male lead ng GMA series na The World Between Us, “Vaccinated!

“By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself and my family, but also my community.

“Tulong tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you when given the chance so that we can reach herd immunity — which will act as a barrier for everyone against the virus” sabay lagay ng hashtag na #IngatAngatBakunaLahat.

BEA, MAY PA-VIDEO NG PAGHALIK NI DOMINIC

Beadombukas na bukas na nga ang rumored showbiz couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang relasyon ngayon.

Habang nagbabakasyon sa Amerika, panay ang post ng dalawa ng pamamasyal nila. Kailan lamang ay nag-Auto Camp sila sa Yosemite National Park kasama ang ilang malapit sa kanila, nag-ihaw, nag-caving, sightseeing at kung anu-ano pa.

Super kilig ang followers nina Bea at Dominic sa picture na ipinost ng aktor sa IG kung saan naka-bear hug pa ang GF sa kanya.

Sa IG Story naman ni Bea kahapon, nag-upload siya ng isang video na tila nasa isang bar sila kasama ang kaibigang si Beth Tamayo and hubby.

Ang espesyal sa maikling video na ’yon ay ang biglaang pag-kiss ni Dominic sa pisngi ni Bea habang nag-i-enjoy ang lahat.

AUTHOR PROFILE