Alden

Alden, nami-miss nang bumiyahe

July 22, 2021 People's Tonight 214 views

mas mae-excite gumising ang fans ni Alden Richards sa regions ngayong Biyernes (July 23) dahil ang Asia’s Multimedia Star ang makaka-bonding nila sa “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Si Alden, miss na rin daw ang pagbiyahe para makasama ang kanyang fans sa regions. Ganu’n pa man, thankful pa rin ang Kapuso actor dahil patuloy ang mainit na suporta ng viewers sa kanya.

“Kahit pandemic at hindi ko kayo (personal) na nakikita, nand’yan pa rin kayo and it means a lot to me,” say ng aktor na ngayon ay gabi-gabing napapanood sa primetime series na The World Between Us at kapag Linggo naman ay nagpapasaya sa All Out Sundays.

“Kayo po ang bumubuhay sa amin, your love and support for us. Salamat at mahal ko kayong lahat,” dagdag na mensahe pa ni Alden sa kanyang supporters.

Ang “Kapuso Fans Day on TV” ay napapanood tuwing Biyernes, 8 a.m., sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA RTV: Mornings with GMA Regional TV sa North Central Luzon, GMA Regional TV Live! sa Central and Eastern Visayas, GMA Regional TV Early Edition sa Western Visayas at At Home with GMA Regional TV sa Mindanao.

Julie Anne, spotted sa billboard sa Times Square

Julieanneworld-class ang talento ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na recently ay spotted sa isang malaking billboard sa Times Square, New York.

Si Julie ang cover artist para sa Equal Philippines Playlist ng international streaming platform na Spotify.

Proud na proud niyang ibinahagi ito sa kanyang Instagram na agad namang inulan ng positive feedback at comments mula sa fans at mga kaibigan: “TIMES SQUARE, NEW YORK BABYYYY!!! ?

Just.. SURREAL. Big thank you @spotify! This is a dream come true!”

Dagdag pa ni Julie, “fam, friends and my loving supporters, we made it! Praise God!”

Samantala, kasalukuyang abala si Julie Anne sa taping ng musical series na Still kasama ang kapwa All-Out Sundays performer na si Christian Bautista.

AUTHOR PROFILE