Alden

Alden, nagtayo ng AR Foundation

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 285 views

MATAGAL nang kilala si Alden Richards sa pagiging matulungin, mapa-artista man o ordinaryong tao, hindi nga lang siya ang tipo na pina-publicize ang pagkakawanggawa.

Lingid sa kaalaman ng publiko, marami-rami na palang iskolar na pinag-aaral ang bida ng Kapuso seryeng The World Between Us.

As of last count, meron siyang 14 scholars at dalawa rito ay college graduates na.

Kaya naman nu’ng September ay pormal na siyang nagtayo ng sariling foundation na tinawag niyang AR Foundation para mas dumami pa ang matulungan niyang underprivileged but deserving students.

Isa sa mga unang proyekto ng AR Foundation ay ang documentary concert ni Alden na Forward na mapapanood sa January 30, 2022.

Ipapakita sa docu concert kung paano nabuo ang AR Foundation at kung saan ba talaga nanggaling si Richard Faulkerson Jr. (real name ni Alden).

Sa virtual media conference para sa Forward, sinabi ng aktor na ang AR Foundation talaga ang bida sa docu concert.

Si Alden mismo ang nag-produce ng Forward para umano maiparating din sa mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkakaroon ng edukasyon.

“I’ve been there, eh. Na-experience ko po ’yan when I was young. I wanna break that cycle sana with what I’m doing,” pag-amin ng aktor.

Gaya ng alam ng nakararami, maagang naulila sa ina si Alden. Seventeen years old lang siya nang mawala ang mommy niya and at that early stage raw ay na-motivate na siya na tumulong sa sariling pamilya.

Ngayong na-bless siya ng isang magandang showbiz career at meron ding malakas na impluwensiya sa iba’t ibang platform, gusto ni Alden na makapag-iwan ng mabuting legacy na maaari niyang ikwento sa mga magiging anak niya balang araw.

Sa ngayon, tutok ang aktor sa napakaraming bagay, gaya na lang ng iba pang mga programa para sa AR Foundation, ang nalalapit na docu concert, ang pelikulang pagtatambalan nila ni Bea Alonzo, The World Between Us at isang bagong teleserye sa GMA Network sa susunod na taon.

Nang tanungin kung may napipisil na ba siyang babae na makakatuwang niya sa buhay, “sa ngayon wala pa po” ang mabilis na sagot ni Alden.

“Ang goal ko ngayon is to do things na ’di ko pa nagagawa. Kasi kasi the time is always now, eh. It’s more about acquiring different experiences and experiencing things for the first time,” pahayag ng aktor.

AUTHOR PROFILE