Alden

ALDEN, MAY BAGONG KA-LOVETEAM

February 13, 2023 Ian F. Fariñas 553 views

GRABE, nagmukhang loveteam sina Alden Richards at Miss Glenda, dating PBB housemate at CEO/ lady boss ng Brilliant Skin Essentials, Inc., nang mag-duet sa katatapos na #Pinakamakinang concert sa Araneta Coliseum.

Bukod sa nakabibinging tilian nang kantahin nila ang Kailan, eh, super trending pa sila sa Twitter.

Sinigurado talaga ni Miss Glenda na star-studded ang line-up ng pagbabalik-concert ng Brilliant Skin Essentials, Inc.

Bukod kasi sa numero unong idol niyang si Alden, in full force ring nag-perform ang Brilliant ambassadors tulad nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Zeinab Harake at Jillian Ward.

Naroon din ang mga “alaga” ni Miss Glenda na sina Korina Sanchez at Sen. Raffy Tulfo.

Bilang birthday ngayong Martes, ni Miss Glenda, nagsilbing advance celebration ang #Pinakamakinang, kung saan namigay siya ng 10 motorsiklo at dalawang kotse bilang pasasalamat sa loyal users, resellers, distributors at franchisees ng Brilliant Skin.

AUTHOR PROFILE