Alden

Alden, mangiyak-ngiyak sa scholar na nag-graduate

January 24, 2022 People's Tonight 159 views

WALANG mapupunta sa bulsa ni Alden Richards sa kita ng ForwARd concert niya sa January 30. Lahat ng proceeds ay mapupunta sa kanyang AR Foundation.

Nakapagpatapos na ng ilang estudyante ang scholarship program ng AR Foundation.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday, may segment sa programa ng pinag-aaral ni Alden at napagtapos.

Binisita ni Alden ang babaing scholar niya na sa Laguna nakatira.

Ipinakita rin ang pagbisita ni Alden sa batang PWD na scholar din niya at nasa Top 10 ng klase.

Mangiyak-ngiyak ang aktor sa napagtapos na mag-aaral.

Hindi natin alam ang pinagdaanan niya nu’ng nag-aaral pa kaya ganu’n kasidhi ang gusto niyang tumulong sa walang kakayahang mag-aral.

Sold out na ang tickets sa docu-concert ni Alden at makaaasa ang mga bumili na mapupunta ang pera nila sa magandang layunin.

PANGARAP NI KUYA GERMS, ITUTULOY

MAS pinili ni Congressman Mike Defensor na takbuhan ang pagiging mayor ng Quezon City kesa bumalik sa legislative work o ’di kaya ay maglingkod sa Gabinete.

Subok na ang pagiging servant ni Defensor ng maraming taon. Pero alam niyang marami pa siyang maiiambag na tulong sa QC sakaling palarin.

Sa pagharap ni Cong. Mike sa ilang entertainment press, aniya, ipagpapatuloy niyang tuparin ang pangarap ng yumaong German Moreno na gawing City of Stars ang Quezon City.

“Puwedeng gawin ang dream ni Kuya Germs sa Parks & Wildlife na sobrang laki. Marami, marami pang puwedeng gawin sa QC lalo na’t isa ito sa malalaking syudad sa QC,” pahayag ni Cong.

Mike na panay ang tulong sa kalusugan nang magsimula ang pandemya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE