Alden hingian ng advice ni Kathryn
Aminado sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na mas lumalim ang kanilang relasyon bilang magkaibigan mula nang gawin nila ang 2019 movie nilang “Hello, Love, Goodbye.”
Ayon kay Kath sa panayam nila ni Alden sa “24 Oras,” mas marami pa siyang natutunan kay Alden sa pagsasama nila ngayon sa “Hello, Love, Again.”
“He’s just amazing. Hindi lahat kaya, hindi ko kaya kung pa’no ‘yung ginagawa niya. Minsan ’pag napapagod ako, tapos titingnan ko siya, iisipin ko, ‘Ito nga hindi nagrereklamo,'” paglalarawan ni Kath sa leading man.
“Ang dami, ‘pag kailangan mo ng advice, you just talk to him. Hindi ako nahihiyang magtanong sa kanya, like hindi ko kailangan i-filter ‘yung mga questions ko because I know na hindi siya ma-o-offend also,” dagdag pa ng aktres.
Ayon naman kay Alden, nagbago ang kanyang pananaw sa buhay mula nang maging kaibigan niya si Kathryn.
“One thing that she made me realized is don’t take life too seriously. Siya ‘yung nagpa-realize sa akin na it’s okay to say ‘no’ at times, valuing your time for yourself, time for your loved ones,” sabi ni Alden.
“Take everything one day at a time, hindi ka superhero. One battle at a time,” dagdag pa ng aktor.
Inamin din ni Alden na ang pagka-genuine ng relationship nila ni Kath ang isa sa mga nilu-look forward niya sa kanilang samahan.
“The genuity of the relationship. I think, ‘yun ‘yung pinaka-isa sa mga I look forward all the time with Kath,” he said.
KRIS MAY SEY SA PAGKAKA-OSPITAL NG ANAK NI MELAI
Idinaan na lang sa pagbibiro ni Melai Cantiveros ang pagkakasakit ng bunsong anak nila ni Jason Francisco na si Stella Rosalind.
Nag-post si Melai ng larawan nila ni Baby Stella habang nasa ER (emergency room) ng ospital.
Makikita sa larawan na tila tinatanggalan ni Stella ng kuto ang kanyang mommy.
Kaya sa caption ni Melai ay nagbiro siya na confirmed na may lahi silang unggoy.
“May lahing Onggs nga kmi Confirm!! Kahit sa ER tlagang di napipigilan ang dugong bughaw,” sey ni Melai.
Nagbiro rin siya na mahilig silang makiuso pati sa sakit.
“Be safe everyone kasi uso nanaman, alam mu nmn tayu laging nakikiuso.”
Sa huli ay humingi ng dasal si Melai para sa paggaling ng anak.
“Ipray nyu aking baby onggs na magheal na ng full kasi worried na si Mother Onggs. Thanks everyone,” aniya.
Isa sa mga nag-comment sa post ni Melai si Kris Aquino.
Aniya, “Be healthy.”