Alden

Alden, dumalo sa world preem ng hit series sa NY

May 16, 2022 Jun Nardo 96 views

PANGARAP na nagkaroon ng katuparan ang nangyari kay Alden Richards nang pumunta sa New York City.

Dumalo si Alden sa world premiere ng hit series na Stranger Things 4 ng NetflixPH na ginanap sa Brooklyn, NY na pinost niya sa kanyang Instagram.

“When a dream turns into reality #StrangerThings #StrangerThings4,” caption ni Alden.

Kahit sagad ang katawan sa sunud-sunod na trabaho, nagkakaroon pa rin ng katuparan ang ibang pangarap ni Alden.

Teka, naglibot na ba si Alden sa US para sa kanyang docu-concert na ForwARd?

Tapos na rin ba siya sa taping ng Star Up nila ni Bea Alonzo?

Magandang follow-up ito sa huling series ni Alden na The World Between Us, huh!

DREAM COME TRUE

MAS feel ni Bea Alonzo na magkaroon ng apartment sa Europe kesa sa Amerika.

Dream come true kay Bea ang magkaroon ng apartment sa Madrid, Spain na ipinagmalaki niya sa kanyang recent vlog.

“After many years of hard work, and weighing things whether I should buy or not I have decided to just take a leap and do it,” bahagi ng caption ni Bea sa kanyang Instagram.

Suwerte ni Dominic Roque sa pagkakaroon ng GF na gaya ni Bea na marunong mag-invest, huh!

Naku, pakasal na, Bea, ’coz you are not getting any younger.

AUTHOR PROFILE