Alden

Alden dumalo sa red carpet premiere ng ‘Stranger Things’ sa New York

May 17, 2022 Aster Amoyo 101 views

DUMALO ang Kapuso prime singer-actor na si Alden Richards sa red carpet world premiere ng 4th season ng “Stranger Things” series last Sunday, May 14 in Brooklyn, New York, USA na siyang dahilan kung bakit siya nasa Big Apple ngayon.

Ang “Stranger Things” 4th season ay mapapanood on Netflix simula ngayong May 27. Created by Matt and Ross Duffer Brothers, ang horror-thriller series ay tinatampukan nina Winona Ryder, David Harbour, Finn Wolfhard ang Millie Bobby Brown among others.

Sa pagbabalik ni Alden ay haharapin naman niya ang taping ng kanyang bagong TV series sa bakuran ng GMA, his first with new Kapuso star Bea Alonzo, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na “Start-Up”. Makakasama rin sa serye sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar together with Lovely Rivero, Gabby Eigenmann, Ayen Munji-Laurel, Jackie Lou Blanco, Kevin Santos at Jojo Alejar.

Samantala, napaka-suwerte umano ng future girlfriend and eventually magiging wife ni Alden dahil bukod sa napakabait nito, kayang-kaya na rin niyang bumuo at sumuporta ng sarili niyang pamilya dahil sa kanyang earnings hindi lamang bilang singer, actor, concert artist and celebrity endorser kundi maging sa kanyang pagiging successful businessman.

Up to this time ay hindi pa rin nagbabahagi ang Kapuso prized actor kung meron na siyang napupusuan.

Rayver

Julie Ann may special birthday celebration kasama si Rayver

MAY special birthday celebration ang rumored sweethearts na sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz kahapon, May 17 sa 28th birthday ng Kapuso singer-actress.

Although wala pang inaamin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, obvious sa kilos ng dalawa na special ang turingan nila sa isa’t isa. Frequent visitor na rin umano ang Kapuso singer, actor, dancer-host sa bahay nina Julie Ann at welcome ito sa kanyang pamilya at nali-link naman sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Si Julie Ann ang pinakamalapit na babae ngayon sa puso ni Rayver since his break-up with ex-girlfriend na si Janine Gutierrez na isa nang Kapamilya ngayon.

Bago ang break-up nina Rayver at Janine ay nakapag-pundar na ang una ng sariling bahay bilang paghahanda sa kanyang paglagay sa tahimik. The singer-actor was devastated nang magkahiwalay sila ni Janine na inakala niyang panghabang-buhay na ang kanilang relasyon. Gayunpaman, agad siyang nakapag-move-on nang unti-unti silang magkalapit ng singer-actress na si Julie Ann. Umaasa ang mga supporters ni Rayver na sana’y si Julie Ann na nga ang maging forever ng singer, actor-dancer.

Bago nagkalapit ang loob nina Rayver at Julie Ann ay naging nobyo ng huli ang Kapuso actor na si Benjamin Alves sa loob ng dalawang taon. But in January 2019 ay kinumpirma ng Kapuso singer-actress na hiwalay na sila ng kanyang (dating) nobyo.

Since 28 na si Julie Ann, nasa tamang edad na rin itong magkaroon ng sarili niyang pamilya, that is kung yayakagin siya ni Rayver.

Si Rayver at ang dalawa niyang nakatatandang kapatid ay pareho nang ulila sa mga magulang. It was in 2009 nang sumakabilang ang kanilang ama na si Rodolfo Ilustre at nung February 2, 2019 naman sumunod ang kanilang inang si Elizabeth Cruz who died of pancreatic cancer.

Si Rayver ay nagmula sa pamilya Cruz in showbiz. Ang yumaong singer-actor na si Ricky Belmonte ay uncle niya gayundin si Tirso Cruz III habang pinsan naman niya sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Geneva Cruz at Donna Cruz.

Since may sarili nang pamilya ang elder brother niyang si Rodjun, may plano na rin si Rayver na bumuo ng sarili niyang pamilya kaya inuna niya ang bahay.

Samantala, although na-identify si Rayver sa pagiging Kapamilya dati, sa GMA talaga siya nagsimula in 1995 at tumagal siya hanggang 2002 bago siya lumipat ng ABS-CBN in 2002 hanggang 2018. Pero nung 2018 ay muling bumalik ang singer-actor sa Kapuso Network.

Cruz1

Sheryl

CruzKumusta na ang Cruz clan sa showbiz

BAKIT kaya walang producer na nakakaisip na pagsamahin sa isang special concert ang magkakamag-anak na Tirso Cruz III, Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz at ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz. Although mas kilala sila ngayon bilang actors, they are all good singers. Sa mga nabanggit, tanging si Donna lamang ang hindi aktibo sa kanila dahil mas pinaboran nito ang kanyang pagiging housewife sa mister niyang si Dr. Yong Larrazabal at pagiging ina ng kanilang tatlong anak. But given the chance, hindi malayong magbalik-showbiz ito although sa Cebu City na siya naka-base with her family.

Speaking of cousins Donna, Sheryl, Sunshine at Geneva, tanging si Donna lamang ang buo ang pamilya habang sina Sheryl, Sunshine at Geneva ay pare-pareho nang hiwalay sa kanilang mga mister.

Donna is happily married to Dr. Yong since 1998 at meron na silang tatlong grown-up children na sina Gio, Belle at Cian.

Si Sheryl ay may isang anak sa kanyang ex-husband na naka-base sa San Francisco, California, USA with their daughter na si Ashley Nicole na tapos na rin sa kanyang pag-aaral. Geneva has one son sa kanyang ex-husband na si Paco Arespacochaga na si Heaven now based in the U.S. Her younger daughter na si London ay anak niya sa kanyang ex-fiance na si Lee Paulsen habang si Sunshine ay may tatlong anak na babae sa kanyang ex-husband, ang actor-director-producer na si Cesar Montano na sina Angelina, Samantha at Franchesca.

Samantala, marami ang naniniwala na may special relationship sa pagitan nina Geneval at dati niyang kasamahan sa Smokey Mountain, ang singer, actor at director na si Jeffrey Hidalgo dahil bukod sa madalas magkasama ang dalawa sa mga lakaran, kakaiba ang bonding ng dalawa kasama ang bunsong anak ng singer-actress na si London.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE