Alden

Alden, dadalhin ang docu-concert sa Tate

February 21, 2022 People's Tonight 150 views

ILILIBOT ni Alden Richards sa iba’t ibang lugar sa Amerika ang docu-concert niyang ForwARd.

Inilabas ni Alden ang teaser video ng US tour ng concert niya.

Iba’t ibang landmarks lang sa US ang nakita sa teaser.

Wala pang ibang detalye kung saang lugar sa US at dates ang concert niya.

Siyempre pa, ang proceeds ng ForwARd niya ay mapupunta sa kanyang AR Foundation.

Mataon kaya ang concert ni Alden sa March birthday ni Maine Mendoza?

HAYAGANG SUPORTA

NADAGDAG ang mga aktres na sina Cherry Pie Picache at Nikki Valdez sa hayagang pagsuporta kay VP Leni Robredo.

Sa isang video message ni Cherry Pie, matapang para sa kanya si VP Leni.

“Katapangan iyong piliin ang paninindigan, ’yung pagsisilbihan ang mga tao kahit sinaktan, ’yung ipaglaban ang katotohanan,” saad ni Cherry Pie.

Ang woman power naman ang tinatalakay ni Nikki sa kanyang video message sa gitna ng mga paratang na hindi kayang pamunuan ni VP Leni ang bansa.

“Kasi hindi totoo ‘yon. Iba, iba ang lakas ng kababaihan. Hindi ako naniniwala na hindi kayang pamunuan ni Robredo ang bansa,” pahayag ni Valdez.

Bilang patunay ng mabuting pamamahala, natanggap ng Office of the Vice President ang pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit sa tatlong sunod na taon pagdating sa paggamit ng pondo ng bayan.

Kahit maliit ang budget ng OVP, nakakapaghatid pa ito ng tulong sa ating kababaayan tuwing may kalamidad at ngayong pandemya gaya ng Bayanihan E-Consulta, vaccine express, libreng sakay, libreng COVID testing libreng sakay sa frontliners at programang pangkabuhayan. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE