Alden

Alden, bubuhayin ang career ni Julia

May 6, 2023 Jun Nardo 247 views

BUBUHAYIN ni Alden Richards ang career ni Julia Montes.

Ang movie with Julia ang ginagawa niya ngayon at sa Singapore pa ang shooting nila, huh!

Eh, kanselado na rin ang tambalan ni Alden at Bea Alonzo. Mas nauna pang gawin ni Bea ang series with Dennis Trillo.

Handa na ba si Julia na umamin tungkol sa kanila ni Coco Martin once humarap siya sa media at magkaroon ito ng presscon?

MAINE, PRAYORIDAD NA ANG ‘#MAINEGOALS’

MaineKUNTENTO na yata si Maine Mendoza sa TV show niyang #MaineGoals lalo na’t nasa Season 3 na ito.

Sa unang episode ng season 3, ultimate summer goals ang handog ni Meng kasama ang kanyang tropa sa show na sina Chichi at Chammy dahil lilibutin nila ang Boracay island.

Talagang sinuyod at ginalugad nina Maine ang best recos sa Boracay island na puwede sa rich o kaya naman ay sa “budgetarian.”

Eh, may pasampol pa sa sari-saring adventures sa Bora ang Maine trops kaya tour guide na rin ang peg ni Meng sa epiode na ito ng season 3 ng #MaineGoals.

Ang bagong episode na ito ng programa ay mapapanood sa bago nitong timeslot, 8-9 a.m., tuwing Sabado sa TV5 simula ngayong May 6 at may extended version at 8 p.m., Monday to Friday, sa Buko Channel, Cignal TV at SatLite Channel 2.

Mas prayoridad na ni Maine ngayon ang sariling show na #MaineGoals lalo na’t wala na rin ang sitcom na Daddy’s Gurl sa GMA at bihira na rin siyang mapanood sa Eat Bulaga, huh!

AUTHOR PROFILE