Aldub

Alden, ayaw tanggapin ang papalit sa ‘Eat Bulaga’

March 20, 2023 Vinia Vivar 425 views

Walang balak sumama si Alden Richards sa bagong pamunuan ng Eat Bulaga kung hindi rin lang niya makakasama sina Tito, Vic & Joey.

Ito ang kinumpirma ni Cristy Fermin sa kanyang vlog.

Ayon kay ‘Nay Cristy, nakausap niya si Alden kamakailan hinggil nga sa estado ng Eat Bulaga.

“’Eto po ang totoo at ito ay sa akin niya (Alden) talaga sinabi. Na anuman daw po ang offer na ibigay sa kanya ng bagong pamununan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama,” pagbabalita ni ‘Nay Cristy.

Ayon pa sa batikang manunulat, mukhang si Alden ang gagawing main host ng bagong EB kasama sina Wally Bayola, Allan K at Jose Manalo.

Napakalaki nga raw ng utang na loob na tinatanaw ni Alden sa EB at sa TVJ na siyang nasa likod ng big success nila ni Maine Mendoza na nagsimula nga nang pagtambalin sila ng show at magkaroon ng AlDub loveteam.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Alden ‘yun at forever na tatanawin na utang na loob ng aktor.

Tama lang naman daw ang desisyon na ito ni Alden at sey nga ni ‘Nay Cristy, lalong tumaas ang pagtingin niya sa aktor nang sinabi ito sa kanya.

Besides, magiging negatibo rin daw ang dating ng aktor kung hindi siya sasama sa mga dating kasamahan, lalo na nga ang TVJ kung aalisin ang mga ito sa noontime show.

Si Maine naman daw ay nakaplano na rin talagang umalis dahil malapit na nga itong ikasal kay Cong. Arjo Atayde.

Well, magkakaalaman daw sa April 15 sa gaganaping malaking presscon ng EB kung ano ba talaga ang mangyayari sa show.

AUTHOR PROFILE