Bike Naglunsad ng kani-kanilang mga caravan Lunes ng umaga ang mga taga-suporta ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa Quezon City, Maynila, Pasay City, Mandaluyong, Santiago sa Isabela, Bulacan, Olongapo sa Zambales, Imus sa Cavite, Calamba sa Laguna, Albuquerque at Tagbilaran sa Bohol, Pagadian sa Zamboanga, Iligan sa Lanao del Norte, at Tagum sa Davao del Norte.

Alan Bike Caravan ikinasa

April 11, 2022 People's Tonight 127 views

Ng grupo-grupong siklista sa buong bansa

NAKIPADYAK ang grupo-grupong mga siklista sa iba’t ibang lugar ng bansa sa “1-4-Alan Peter Cayetano Bike Caravan” nitong Linggo bilang pagpapakita ng suporta kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano na tumatakbong Senador sa darating na halalan.

Naglunsad ng kani-kanilang mga caravan Lunes ng umaga ang mga taga-suporta ni Cayetano sa Quezon City, Maynila, Pasay City, Mandaluyong, Santiago sa Isabela, Bulacan, Olongapo sa Zambales, Imus sa Cavite, Calamba sa Laguna, Albuquerque at Tagbilaran sa Bohol, Pagadian sa Zamboanga, Iligan sa Lanao del Norte, at Tagum sa Davao del Norte.

Pinamunuan at inorganisa ng ilan sa pinakamalalaking cycling groups ang nationwide caravan na umaabot sa daan-daan ang mga lokal na miyembro, tulad ng Universal Cycling Network (UCN) sa Cavite, multisports group na TriZurKamesa sa Pagadian, at Kasabike Iligan sa Iligan.

Lumahok din sa caravan ang ilan sa mga mayor at barangay chairman ng kani-kanilang lokalidad.

“We just really want to thank Sir Alan Peter Cayetano. From medical assistance, to mobile clinics, sa ambulance, pati sa infrastructure, handang tumulong si Sir Alan,” pahayag ni Pagadian City Councilor at Sports Committee Chairman Sam Tyra Co.

Nagpaabot din ng suporta at pasasalamat ang mga naging benepisyaryo ng Sari-saring Pag-asa program ni Cayetano sa mga lokalidad na nagdaos ng bike caravan.

Ito na ang pangatlong nationwide caravan na inilunsad ng mga taga-suporta ni Cayetano bilang pakikiisa sa eco-friendly campaign nito.

Buwan ng Pebrero nang ihayag ng dating Speaker ang desisyon niyang magkaroon ng isang eco-friendly at lead-by-example campaign ngayong eleksyon, kung saan hindi siya magsasagawa ng mga motorcade na maaksaya aniya sa gasolina at makadadagdag sa polusyon.

Hindi rin siya gumagamit ng mga printed material gaya ng mga poster, flyer, at tarpaulin para hindi na aniya makadagdag sa tone-toneladang basurang naiipon tuwing eleksyon.

Sa halip, hinikayat ng dating House Speaker ang kanyang mga taga-suporta na magtanim ng mga puno at mangrove, magtayo ng mga urban farm, at gamitin ang social media bilang mga alternatibo sa tradisyunal na pangangampanya.

Pinuri naman ng iba’t ibang environment group ang panawagan ng dating Speaker tulad ng EcoWaste Coalition dahil nagpapahayag anila ito ng “malalim na pagkalinga sa kalikasan at mahalagang mission na gawing mas malinis, ligtas, at maayos ang kampanya hanggang sa araw na halalan”.

Ayon kay Cayetano, na nangunguna pa rin sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa mga kandidato sa pagka-Senador, isusulong niya ang isang “faith-based at values-oriented na pamumuno” sa Senado.

AUTHOR PROFILE