ALAMS Nagpakita ng solidong suporta ang solidarity riders ng Alliance of Leaders and Advocates for Marcos-Sara o mas kilala sa grupong ‘ALAMS’ ng isang malawakang Metro Manila-wide ride o “Easter Sunday Ride” bilang pagsuporta nila sa BBM-Sara Tandem at Sambayanan Partylist #175 sa harap ng Liwasang Bonifacio, Lawton, Ermita Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

ALAMS nagdaos ng ‘solidarity’ ride bilang suporta sa BBM-Sara tandem

April 19, 2022 Jonjon Reyes 267 views

MATAGUMPAY na naidaos ng Alliance of Leaders and Advocates for Marcos-Sara o mas kilala sa grupong “ALAMS” ng isang malawakang “Easter Sunday Ride” bilang pagpapakita ng suporta sa BBM-Sara tandem sa pagkapangulo at ikalawang pangulo, araw ng Linggo, Abril 17, 2022.

Ang malawakang aktibidad ng ALAMS ay isinagawa sa pamamagitan ng pagmomotor at biseklita sa buong Metro Manila upang ipakita ang puwersa at patunayan ang solid na samahan para sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) bilang presidente at Davao City Mayor Sara Duterte para bise presidente sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022.

Nagsimula ang naturang ride mula sa kani-kanilang mga lungsod sa Metro Manila patungong Liwasang Bonifacio sa Lawton, Ermita sa Maynila na dinaluhan ng mahigit sa 500 motorcycle riders na miyembro ng ALAMS na nagmula sa iba’t ibang panig ng National Capital Region (NCR).

Ito rin ang kauna-unahang “solidarity ride” ng grupo na nais pa nilang ulitin sa mas malaking kaganapan sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, nagsagawa din ng maiksing programa kung saan personal namang dinaluhan ni Ka Eric Celiz, na siyang 1st nominee ng #175 SAMBAYANAN Party-list sa ilalim ng tambalang BBM-Sara UniTeam.

AUTHOR PROFILE