ALAMS Nagtipon-tipon ang may mahigit sa 3,000 officials at kasapi ng ALAMS upang ipahayag ang kanilang buong suporta sa BBM-Sara UniTeam. Habang hawak naman ni Ka Eric Celis ng Sambayanan Party-List ang People’s Journal Tonight bilang masugid na tagasubaybay ng nasabing pahayagan. Kuha ni Jon-Jon Reyes

ALAMS: BBM-Sara panalo na sa Maynila

March 29, 2022 Jonjon Reyes 173 views

NAGSAMA-SAMA bilang pagkakaisa ang may mahigit sa 3,000 opisyal at miyembro ng ALAMS (Alliance of Leaders and Advocates for Marcos Sara) upang ilahad ang kanilang pagsuporta sa BBM-Sara UniTeam.

Mahigit sa 2,000 katao ang nasa ibabaw ng Smokey Mountain upang patunayan nila ang kanilang buong pwersa at suporta ng ibat-ibang lugar sa Maynila, Malabon, at Navotas para sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) para sa pagkapresidente at Sara Duterte bilang bise-presidente sa darating na halalan sa Mayo 9.

Naniniwala din ang grupo at sisiguruhin nila ang pagkapanalo ng BBM-Sara tandem kasama ang Sambayanan Party-List ni Ka Eric Celis na #175 sa balota – na ang panalo ng tandem ay tagumpay din raw ng mga mahihirap o maralita. Jon-Jon Reyes & C.J Aliño

AUTHOR PROFILE