![Guess](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/08/Guess.jpg)
Alalay nagkakandakuba sa kaartehan ng among singer
BINABANTAYAN palagi ng isang female singer ang mga damit ng makakasama niya sa bawat production number.
Pasimpleng inuutusan ng female singer ang olalay niya para alamin ang kulay ng damit na isusuot ng mga kasama niya dahil ayaw niyang magkapareho sila ng kulay ng damit ng kapwa singer.
Gusto ni female singer, nag-iisa lang ang kulay ng damit niya. Kaya naman kapag may guesting at marami silang mga babaeng singer na magkakasama sa prod number, grabe ang dala-dala niyang damit na isusuot na ikinaloloka ng dyulalay niya, huh!
Ayaw ng female singer na may kapareho siyang kulay ng damit. Ikinaloloka naman ito ng alalay niyang nagkakandakuba sa pagbibit ng maraming damit pero isa lang naman ang gagamitin, huh!
DREAM COME TRUE
DREAM come true para kay Geneva Cruz na maging madre kahit sa pelikula lang. May lola kasi siyang madre na laging nagdarasal kahit wala sa simbahan.
Madre ang role ni Geneva sa gagawing musical movie ng Balin Remujus, Inc. at Great Media Productions na “Nasaan si Hesus.” Isinulat ito ng late writer na si Nestor Torre with music and lyrics ni Lourdes Bing Pimentel.
“At sa movie, natuloy ito at meron naman akong Heaven,” sabi ni Geneva sa announcement ng shooting ng movie.
Makakasama niya sa proyekto ang mga kaibigang sina Rachel Alejandro at Jeffrey Hidalgo, Janno Gibbs, Marissa Sanchez at iba pa mula sa panulat at direksyon ni Dennis Marasigan.
Matagal na itong musical play at naniniwala si Mrs. Pimentel na basta mabuti ang ginagawa mo, eh, darating ang blessings para matupad ang gusto mong gawin.
“Our purpose in making this film is to disseminate information and inspiration. This film is a form of offering of praise, thanksgiving, and petition. Salvation is near if we open our hearts and listen. We wanted to show everybody that God is always here,” pahayag niya.