Posas

‘Akyat Bahay’ huli sa panghahalay ng kapitbahay

September 19, 2023 Jojo C. Magsombol 109 views

NATIMBOG ng mga barangay tanod ang isang lalaki dahil sa panghahalay noong Lunes sa Blk. 4, Lot 30, Lubac St., Balanti, Bgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Nakilala ang biktima sa panghahalay na si alyas Charice at si alyas Rolly ang suspek, ayon sa report.

Dinala ng mga tanod noong Setyembre 18 bandang 12:30 ng madaling-araw ang suspek sa Cainta Municipal Police Station matapos ireklamo ng panghahalay.

Lumabas sa impormasyon bandang als-3 ng hapon ng September 17, 2023 nang umakyat ng bahay ang suspek na kapitbahay ng biktima at nakapasok sa bukas na bintana.

Mabilis na dinakma ang biktima na noo’y nakahiga at tinakpan ang bibig at puwersahang hinubaran ng suspek.

Nang mahubaran, inihiga sa sahig ang biktima at saka sinimulang halikan ang leeg at dibdib habang nakatingin ang nakababatang kapatid na babae ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek pagkatapos manghalay. Doon na tumawag ang batang kapatid sa lolo’t-lola at ipinaalam ang nangyari.

Agarang nagsumbong ang mga matatanda at humingi ng tulong sa mga barangay opisyal at mabilis namang umaksyon kaya nahuli ang suspek.

AUTHOR PROFILE