jolai

Aktres/socmed personality, ipapawalang-bisa ang kasal sa Ex-Battalion member

June 3, 2021 Vinia Vivar 199 views

Humantong na sa korte ang marital problems ng social media personality at young actress na si Jelai Andres at Jon Gutierrez, also known as King Badger of the Pinoy hip hop group, Ex-Battalion.

Dumulog sa Department of Justice si Jelai nitong nakaraang Martes, June 1, para maghain ng reklamong concubinage laban sa asawa.

Sa panayam kay Jelai ng mga reporter matapos mag-file ng kaso, sinabi niya na nagsampa rin siya last April 23 ng kasong Violation of Republic Act No. 9262, o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Children, laban sa asawa.

“Ngayon, mayroon akong na-file na bagong case which is merong involved na ibang tao maliban kay Jon. And sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos parang ‘yung kabilang panig pa ang naghahamon at parang matatapang,” pahayag ni Jelai.

“There are times that we need to learn how to stand up and fight for our rights, to seek justice and hopefully, people will learn a lesson especially those who don’t know how to respect the sanctity of marriage.

“We all know na nasa batas ng Diyos, which is the Ten Commandments, na kasalanan ang pakiki-apid. Nasa batas din po iyan ng tao.

“Ignorance of the law is not an excuse, unless may mga tao na selfish at walang pakialam na makasakit ng feelings ng iba at makakasira ng pamilya,” patuloy pa niya.

Ayon sa legal counsel ni Jelai na si Attorney Faye Singson, may deklarasyon daw ang Korte Suprema na “psychological violence is an indispensable element of violation of Section 5 (i) of R.A. No. 9262. Equally essential is the element of emotional anguish and mental suffering, which are personal to the complainant. Psychological violence is the means employed by the perpetrator, while emotional anguish or mental suffering are the effects caused to or the damage sustained by the offended party.”

Pinuproseso na rin ni Jelai ang pagsasampa ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nila.

Samantala, bukas ang pahina ng People’s Tonight sa panig ni Jon.

AUTHOR PROFILE