Eva

AKTOR PH suportado si Eva Darren

May 29, 2024 Vinia Vivar 99 views

Sa isang statement na ni-release ng AKTOR PH, ang league of Filipino actors na pinamumunuan ni Dingdong Dantes, ipinahayag ng organisasyon na buo ang kanilang suporta para sa veteran actress na si Eva Darren sa pang-iisnab na sinapit nito sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) awards night held last Sunday.

Narito ang full statement ng AKTOR PH na naka-post sa social media:

“An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies. It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member.

“It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate incident that happened to one of our respected and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies.

“We are deeply saddened by the seeming lapse in the management of the program.

“While acknowledging shortcomings in execution, our aim is to underscore the broader culture surrounding award ceremonies.

“We aspire to revive the genuine essence of these events and bring back the glory of these gatherings, by fostering intimate celebrations that recognize excellence and embrace every individual without fear of exclusion and discrimination.

“Now, more than ever, it is crucial to safeguard and honor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.

“AKTOR, the League of Filipino Actors, extends its warmest support and solidarity to Ms. Eva Darren.”

Matatandaan na inireklamo ng anak ni Eva na si Dr. Fernando dela Pena ang hindi pagkakaakyat sa stage ng kanyang ina na inimbitahan ng FAMAS na maging presenter sa isang special award.

Masamang-masama ang loob ni Dr. Dela Pena sa sinapit na kahihiyan ng ina na kasama pa ang apat na apo sa event.

Humingi na ng dispensa ang FAMAS kay Eva at sa pamilya nito’t ipinaliwanag na hindi ma-locate ang aktres ng production staff nang gabing iyon.

Tinanggap naman ng pamilya ang apology pero marami pa rin ang galit na galit at nabababawan sa idinahilan ng FAMAS na hindi makita ang veteran actress sa venue.

AUTHOR PROFILE