Dolly

Akting ni Kathryn, binigyan ng score na ‘9’ ni Dolly

August 24, 2023 Ian F. Fariñas 206 views

NUWEBE. ‘Yan ang rating na ibinigay ng BAFTA at Golden Globe nominee na si Dolly de Leon sa husay umarte ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo.

Sa katatapos na grand mediacon ng pinagsasamahan nilang pelikula, ang A Very Good Girl ng Star Cinema, ipinaliwanag ng bida sa award-winning at critically-acclaimed movie na Triangle of Sadness kung bakit hindi perfect 10 ang ibinigay niyang grado kay Kathryn.

Ani Dolly, “Kunyari 10 ‘yung highest, ‘no, okay. I give her a nine. I’ll qualify why. Kaya hindi perfect score because learning and growing is a never-ending process. There is always room for improvement. And perfection can never be achieved. But she is up there, she has a very high mark, and I think I already explained this earlier. The reason why I think she’s a very strong actress is because she is able to access her vulnerable side and express those emotions and flesh them out into a character, a living, breathing human being. And it takes skill and talent to be able to do that.

And Kath has that.”

Sa A Very Good Girl, ginagampanan nina Kath at Dolly ang papel nina Philo at Mother Molly, respectively.

Iikot ang kwento nito sa buhay ni Philomena Angeles (Kathryn) na gustong wasakin ang kapwa socialite at business tycoon na si Mother Molly Suzara (Dolly). Sa pagpasok ni Philo sa marangya, pero misteryosong buhay ni Mother Molly, magiging kumplikado ang plano niyang paghihiganti.

Bale theatrical comeback ni Kathryn ang A Very Good Girl dahil ang huli niyang pelikula na ipinalabas sa mga sinehan ay ang box office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Para naman kay Dolly, ito naman ang kauna-unahan niyang lead role at unang ABS-CBN movie.

Bukod sa kanila, tampok din sa cast sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero at Angel Aquino sa ilalim ng direksyon ni Petersen Vargas.

Bilang parte ng 30th anniversary ng Star Cinema, mapapanood ang A Very Good Girl sa mga sinehan simula September 27.

AUTHOR PROFILE