Isko KANSELADO. Inutos ni Manila Mayor Isko Moreno na wala munang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year bilang pag-iingat sa COVID-19 at Omicron variant. Larawan ni Jerry S. Tan.

Aktibidad sa Chinese New Year sa Binondo, kanselado

January 20, 2022 Itchie G. Cabayan 105 views

KANSELADO na ang lahat ng aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 Omicron variant.

Ito ang ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, kabilang ang pagsasagawa ng tradisyunal na parada, ng lion at dragon dances, pagpapailaw at pagsindi ng mga firecrackers sa mga kalye, street parties, stage shows, street games at iba pang aktibidad.

Bukod pa rito, nagbabala din ang alkalde na magpapatupad siya ng liquor ban sa Chinatown at area ng Binondo, Maynila.

Sa pamamagitan ng paglagda ng Executive Order na pinirmahan ni Mayor Isko Moreno at pinagtibay naman ni Secretary to the Mayor Bernie Ang, na isa sa Chinese-Filipino descent na maging ang bansang China ay kinansela rin ang kanilang Lunar celebration para hindi na magsiuwian ang milyon migrant na makikiisa sa pagdiriwang.

“The activities during the New Year celebration, if not canceled, can be surely an easy medium of COVID-19 spread and transmission thereby endangering the health, well-being, and safety not only of residents but also their visitors who will join them in the celebration,” pahayag ni Moreno.

Posible umanong maging super spreader ng virus kapag pinayagan ang selebrasyon ng Chinese New Year kung kaya’t mariing inatasan ni Mayor Isko Moreno si Manila Barangay Bureau (MBB) Chief Romeo Bagay na mahigpit na ipatupad ang liquor ban sa Binondo, Manila.

Katulong din ang kapulisan ng Maynila kabilang ang Binondo sa pamumuno nina MPD Director PBGen. Leo “Paco” Francisco at PLT. Col. Magno Gallora commander ng Binondo Police Station 11. Nakasuporta naman ang MTEG at MTPB para sa pagpapatupad ng batas trapiko sa area ng Binondo at patuloy din ang patrol operation ng mga operatiba ng SWAT, TMRU, EOD, DPSB at ng Mobile Patrol sa nasabing lugar para sa siguridad ng mga Filipino-Chinese kahit na walang aktibidad sa nasabing pagdiriwang. Nina Jon-jon Reyes, C.J Aliño at Itchie G. Cabayan

AUTHOR PROFILE