AJ Mga larawan mula sa IG/@ajravss

AJ Raval nagpasalamat sa sakripisyo ni Jeric: ‘The first man I ever loved’

October 16, 2023 People's Tonight 304 views

SINALUDUHAN ng Vivamax actress na si AJ Raval ang kanyang ama at action star na si Jeric Raval para sa mga sakripisyo nito sa kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram page nitong Linggo, Oktubre 15, ibinida ni AJ ang matatamis na larawan nila ni Jeric kalakip ang mensahe ng kanyang pasasalamat sa ama.

“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family,” pahayag ng sexy star.

Binigyang pagpupugay rin ni AJ ang mga naituro sa kanya ng action star pati na ang atensyong ibinibigay nito sa pamilya.

“Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon sa amin,” wika ni AJ.

“You will always be the first man I ever loved Tatay Erick,” sey pa niya.

Nakapukaw naman ng atensyon ng netizens ang nasabing post ni AJ tungkol sa kanyang erpat.

“More sweet moments with your dad AJ.”

“Thats why if may mga parents kayo always always be thankful and iparamdam sakanila na love mo sila dahil yung iba never naramdaman yan.”

“So sweet.. Lalo ko namiss papa ko.. 5 years na syang wala he is so kind and genuine ang puso walang masamang tinapay…”

AUTHOR PROFILE