AJ

AJ nakipaghiwalay sa BF dahil sa career

August 21, 2021 Aster Amoyo 283 views

AJ1KUNG noong simula ng kanyang career ay hindi pabor ang ama ng Viva sexy star na si AJ Raval na si Jeric Raval sa kanyang pagpapa-seksi, ngayon ay tanggap na umano ito ng kanyang actor dad maging ng kanyang pamilya.

Although nung taong 2019 pa nagsimula ang showbiz career ni AJ na isa sa mga contract talents ng Viva Artists Agency, naging sunud-sunod ang dating sa kanya ng suwerte sa pagpasok ng taong kasalukuyan. She was one of those introduced sa sexy comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na siyang naging maiden offering ng streaming app ng Viva, ang Vivamax nung January 29, 2021. Ang nasabing pelikula became one of the most viewed films on Vivamax in its over six months existence. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng young director na si Darryl Yap.

Agad itong nasundan ng “Death of a Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas. Third movie naman niya this year ang “Nerisa” na dinirek ni Lawrence Fajardo at pang-apat niya ang pelikulang “Taya” na pinagtatambalan nila ni Sean de Guzman na pinamahalaan ni Roman Perez, Jr. na siyang nagdirek ng “Adan” nina Rhen Escano at Cindy Miranda at “The Housemaid” ni Kylie Verzosa.

At the virtual presscon ng pelikulang “Taya,” personal na inamin ni AJ na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend of almost two years, ang ex-PBB housemate-turned actor na si Axel Torres at ito’y nangyari about two months ago.

Ayon sa Viva sexy star, hindi umano matanggap ni Axel ang ginagawa niyang pagpapa-seksi sa pelikula at pinagselosan umano nito ang kanyang “Taya” co-star na si Sean de Guzman na unang nakatrabaho ni AJ sa isa pang sexy movie na “Nerisa”. Hindi naman ikinakaila ng actor na si Sean na hindi umanong malayo na ma-develop at ma-inlab siya kay AJ dahil bukod sa kumportable umano sila sa isa’t isa, close umano silang magkaibigan.

Dapat sana’y magda-dalawang taon na ngayong September ang relasyon nina AJ at Axel pero hindi na ito umabot doon. Pinanghinayangan man ng sexy star ang kanilang relasyon ni Axel, hindi naman niya umano kayang isakripisyo ang kanyang career lalupa’t ngayon pa lamang umano siya unti-unting nakaka-take off. Tila madali naman siyang naka-recover sa kanilang break-up ni Axel dahil sa kanyang pagiging busy sa kanyang career ngayon.

Samantala, hindi naman ikinaila ni Sean na na-turn on umano siya sa steamy scenes nila ni AJ sa pelikulang “Taya” at ito’y naramdaman ng sexy star pero itinuloy lamang umano nila ang eksena dahil ayaw nilang ma-take two.

Si Sean ay unang nakilala sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Kasama rin siya sa pelikulang “Lockdown” na siya namang launching movie ng half-brother ni Marco Gumabao na si Paolo Gumabao na dinirek din ni Joel. Ngayong nasa bakuran na rin ng Viva si Sean ay sunud-sunod din ang kanyang movie projects. He is in the movie “Nerisa” at itong “Taya” na malapit nang matunghayan sa Vivamax at iba pang livestreaming app tulad ng ktx.ph, iWant TFC at TFC IPTV.

Jane nagpaalam na sa AP, Julia pasok na

CocoCoco & JuliaJuliaTULUYAN nang nagpaalam ang character ni Captain Lia Mante played by Jane de Leon gayundin ang kanyang parents na sina Atty. Fernando Mante (Christian Vasquez) at Dra. Amalia Mante (Cristina Gonzales) maging ang character ni Simoun Ibarra as Enrique Vera na isang druglord na pinatay ni Cardo Dalisay (Coco Martin) dahil sa ginawa nitong pagdukot at pagpatay sa nakatatandang kapatid ni Captain Lia Mante na si Dra. Audrey Mante (Aya Fernandez).

Ang mag-anak na Capt. Lia Mante, Atty. Mante at Dra. Mante ay mangingibang bansa para hindi na sila matunton ng Black Ops na pinamumunuan ng character ni Geoffrey Eigenmann para paghigantihan.

It was last July nang i-announce ang pag-alis ni Jane sa “Ang Probinsyano” dahil magsisimula na itong magtaping ng kanyang first starring role in a TV series, ang “Darna” which was first intended for movie pero sa halip ay ginawa itong TV series na si Jane pa rin ang pangunahing bituin.

Pagkatapos ng announcement ay magpapaalam na si Jane sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay kasunod na rito ang pagpasok sa serye ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes. Simula sa darating na Lunes, June 23 ay matutunghayan na ang bagong character na papasok, si Mara na ginagampanan ni Julia na siya na umanong magiging huling pag-ibig ni Cardo Dalisay sa top-rating and long-running action-drama series na abot na sa kanilang ika-anim na taon sa susunod na buwan.

Bukod kay Julia, ang iba pang bagong new cast members na papasok ay sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Michael Flores, Vangie Labalan, Marela Torre, Chai Fonacier at Joseph Marco. Napapabalita ring papasok din umano sa serye si John Estrada.

Ang magandang exposure ni Jane de Leon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay malaki ang maitutulong sa kanyang pagiging bagong “Darna”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE