Diego

AJ nakipagbati kay Barbie matapos ang controversy

December 12, 2021 Aster Amoyo 235 views

BarbieSANDALI naming nakakuwentuhan si Barbie Imperial bago ang special screening ng kanilang movie ni Diego Loyzaga, ang “Dulo” na dinirek ng ex-PBB Housemate, ang actor, writer at director na si Fifth Solomon sa Boteju in Fishermall, Quezon City. Inamin ng nobya ni Barbie na nagkausap , nagkaayos at nagkapaliwanagan na umano sila ni AJ Raval.

Kahit hindi naman kailangang magpaliwag pa si AJ, kailangan niya itong gawin dahil siya ang lumalabas na masama sa mga isyung ibinabato sa kanya na salat naman lahat sa katotohanan.

“Akala ko kung tahimik lang ako at hindi na papatol sa mga ibinabato sa akin ng ibang tao ay makakatulong pero kabaliktaran ang nangyari dahil ako ang lumalabas na masama at kontrabida kahit wala akong kasalanan,” pahayag ng sexy star ng Viva at anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Nakipag-ayos si AJ kay Barbie para maklaro na rin ang mga isyu na ibinabato sa kanya. May mga lumabas kasi na balita linking her sa kanyang leading man sa “Death of A Girlfriend” na si Diego na kasintahan naman ni Barbie.

Naging sunud-sunod ang kontrobersiyang kinasangkutan ni AJ at gusto niyang manahimik lamang para hindi na lumaki ang `sunog’. Ang siste, mas lalong lumala ang ilang isyung ibinato sa kanya kaya napilitan siyang magsalita na rin.

Kilala si AJ sa pagiging totoo laluna sa mga impormasyon na may kinalaman sa kanya.

Elisse at McCoy masay ang Pasko dahil sa anak

TIYAK na magiging exciting ang unang Christmas ng young couple na sina McCoy de Leon (26) at Elisse Joson (25) dahil first Christinas nila itong ise-celebrate kasama ang kanilang baby na si Felize McKinzie. Hindi ikinakaila ng dalawa na nag-iba umano ang kanilang pananaw sa buhay nang magkaroon sila ng baby. It’s not anymore about them ang kanilang iniisip kundi para na sa kanilang baby at magiging kinabukasan nito.

Although sumasagi na rin sa kanilang usapan ang kasal, ayaw nila itong madaliin laluna’t maliit pa si Baby Felize. Mas naka-focus umano sila ngayon sa pagiging hands-on parents ng kanilang baby. At ngayong may anak na sila, mas gusto nila mapaghandaan ang magiging fufure ng kanilang anak.

Si Elisse ay nananatiling nasa pangangalaga ng Star Magic habang si McCoy ay nasa bakuran na ng Viva Artists Agency.

Marian may naging instant friend sa Israel

HINDI lamang ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-70th Miss Universe pageant na si Beatrice Luigi Gomez ang suportado sa sambayanang Pilipino maging ng ating mga kababayan sa iba’t ibang dako ng mundo kundi maging ang Kapuso actress at misis ng actor na si Dingdong Dante na si Marian Rivera na isa sa napili na maging miyembro ng selection committee (judges). Isang malaking karangalan para sa actress-entrepreneur maging sa kanyang mga kababayan ang kanyang pagiging bahagi niya bilang hurado sa 2021 Miss Universe pageant kaya hindi niya ito pinalagpas maging ng kanyang mister na si Dingdong na kahit may trabaho ay gumawa ng paraan para masamahan ang kanyang misis sa prestigious event na ito.

Ngayong umaga (sa Pilipinas) ay malalaman ng buong mundo ang kikilalaning 70th Miss Universe.

Samantala, naging instant friend naman ni Marian ang isa sa mga hurado, ang dating beauty queen-turned actress na si Urbashi Rautela kaya hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay bumisita ng Pilipinas ang Bollywood actress at si Marian at Dingdong sa India.

Vin mapapanood sa GMA7

KUNG sa ngayon ay malabong makagawa ng proyekto si Aljur Abrenica sa bakuran ng GMA, kakaiba naman ang nangyari sa kanyang nakababatang kapatid na si Vin Abrenica na nagsimula ang career sa TV5 bago ito nalipat ng ABS-CBN kung saan siya namalagi sa loob ng apat na taon.

For the very first time ay mapapanood si Vin sa drama anthology ng GMA, ang “Tadhana,” isang indikasyon na tapos na marahil ang kanyang kontraba sa Kapamilya network at isa na siyang free lancer ngayon.

Since wala namang problema si Vin sa Kapuso network, naging magaan ang kanyang pagpasok sa GMA na siyang nag-offer sa kanya ng project.

Vin is yet to marry her fiancée, ang Kapuso actress na si Sophie Albert pero nauna ang kanilang baby girl na isinilang last March. The couple na parehong nagsimula sa isang reality talent show ng TV5 got engaged nung December 2020. It was in February 2021 nang mag-desisyon na magsama ang dalawa sa isang bubong bago isilang ang kanilang unang baby na si Avianna Celeste nung nakaraang March 15, 2021.

Samantala, mukhang matatagalan ding magkaroon ng panibagong proyekto si Aljur sa Kapamilya network dahil sumama umano ang loob ang mga taga ABS-CBN dahil sa mga binitawang salita ng actor nung kasagsagan ng pagkawala ng prangkisa ng TV network. Bago ang shutdown ng ABS-CBN ay isa na noon sa mga busiest actor ang ex-husband ni Kylie Padilla.

Lovi at Janine magsasama sa isang LGBTQ project

THIS year lamang naging bahagi ng Kapamilya network sina Janine Gutierrez at Lovi Poe na parehong nagmula sa Kapuso network. Si Janine ay lumagda ng kontrata with ABS-CBN nung nakaraang January habang sumunod naman si Lovi nung nakaraang September 2021.

Sina Janine at Lovi ay parehong nasa pangangalaga ng talent manager na si Leo Dominguez.

Although may magkahiwalay na proyekto sina Janine at Lovi, magsasama ang dalawa sa isang LGBT-themed series na pinamagatang “Sleep with Me” na pamamahalaan ni Sam Lee. Ito’y joint project ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal at Project 8 Producgtions ng director na si Dan Villegas. First time ding magsasama sa isang proyekto sina Janine at Lovi na hindi noon nagkatrabaho sa bakuran ng GMA. Ito rin ang first time na gagawa ng GL (girls love) series ang dalawang singer-actress.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE