Aj Raval

AJ, mas wild at mas sagad ang pagka-daring sa ‘TAYA’

June 29, 2021 Ian F. Fariñas 1771 views

MAS wild, mas sagad. Ganyan i-describe ni Direk Roman Perez Jr. ang pamamahalaan niyang bagong assignment ni AJ Raval sa Viva Films na Taya.

Kaya naman ngayon pa lang, anang anak ng dating action star na si Jeric Raval, eh, inihahanda na niya ang sarili mentally and emotionally para sa mas mapangahas na role.

Sa virtual storycon ng Taya, kung saan present din ang magiging co-stars ni AJ na sina Sean de Guzman, Angeli Khang at Jela Cuenca, inamin ng dalaga na naapektuhan siya ng mga sinasabi ng mga tao sa pagiging super daring niya.

Pero ngayon daw, handa na siya at buo na ang loob niyang harapin ang nasimulang acting career.

Ang kwento ng Taya ay parang sugal kung saan kapag nanalo ka, may premyo kang babae.

Challenge nga raw para kay Direk Roman kung paano pagsasamahin sa iisang proyekto sina AJ at Sean mula sa maingay nilang pagganap sa Death of a Girlfriend at Anak ng Macho Dancer, respectively.

Dagdag ng direktor, handa na ang location pati set ng Taya. Naghihintay na lamang daw sila ng tamang timing para simulan ang shooting.

Magsisimulang mapanood ang Taya sa Vivamax simula July.

AUTHOR PROFILE