AJ

AJ, live ang pa-tummy reveal

July 30, 2022 Vinia Vivar 347 views

Kumasa si AJ Raval sa hamon ng mga netizen na magpakita siya nang live para malaman kung buntis ba siya talaga o hindi.

May ilang linggo na nga kasing mainit na pinag-uusapan na nagdadalantao ang sexy actress courtesy umano of her boyfriend, Aljur Abrenica.

Nitong nakaraang Huwebes, nag-live na nga si AJ sa kanyang Instagram at nagpa-tummy reveal.

Aniya ay nasa set siya ng kanyang latest project at makikita ngang inaayusan siya at nagbabasa ng script habang naka-live.

Kitang-kita sa camera ang flat na flat na tummy ni AJ sa kanyang suot na shorts at sando na parang ipinagsisigawan nga niya na hindi siya buntis.

Maya-maya ay nagbigay na nga siya ng pahayag tungkol sa issue.

“Shout out sa inyong lahat! Huwag na kayong masyadong magpapaniwala sa mga tsismis. Saka kahit anong gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman maniniwala du’n,” aniya.

Sabi pa ng aktres sa bandang dulo, “Lagi n’yo na lang akong iniisyu saka inaaway. Ayoko na ngang mabuhay sa mundo. Joke! Lagi n’yo na lang akong ginagawan ng issue.”

Sinabi rin ni AJ na masaya siya sa buhay niya ngayon.

KATHNIEL, EKSTRA SA BANGUNGOT NI ANGELICA

Ikinuwento ni Angelica Panganiban sa kanyang vlog ang kanyang masamang panaginip kung saan ay kasama pa ang magdyowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Napanaginip ko kagabi, morbid,” pagbabahagi ni Angelica habang nagmamaneho, “as in super morbid, may pumapatay daw sa akin.”

Patuloy niya, “Tapos, nasa panaginip ko ang KathNiel, andu’n si Kathryn Bernardo saka si Daniel Padilla, parang gusto nila akong tulungan.”

Sa panaginip ay may mga challenge raw siyang kailangang malampasan para hindi mamatay.

“Pero literal, talagang papatayin ako, may killer talagang humahabol sa akin, ganu’n,” sey pa niya.

Nakasama kasi ni Angelica ang KathNiel sa hit teleseryeng Pangako sa ’Yo kaya siguro lumitaw ang dalawa sa kanyang panaginip.

AUTHOR PROFILE