AJ

AJ, ’di buntis at walang anak sa pagkadalaga — Jeric

August 2, 2022 Vinia Vivar 611 views

Ayon kay Jeric Raval, tinanong niya mismo ang anak na si AJ Raval nang makarating sa kanya ang balitang buntis ito sa boyfriend na si Aljur Abrenica.

“That very moment, nu’ng dumating sa akin ang balita na ‘yun, tinawagan ko siya,” sey ni Jeric sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz. “So, I made a phone call, sabi ko ‘bats, sa’n ka? Ano ‘tong issue na ‘to?’”

“Bats” daw ang tawag niya kay AJ.

Sabi naman daw ni AJ, “Nagsawa na ako kasasagot d’yan.”

Tinanong daw niya si AJ kung nasaan ito at sagot naman ng anak ay nagsu-shooting ng movie.

“Nasa Angeles sila ngayon, eh. Tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva,” dagdag pa ni Jeric.

Asked kung hindi totoong buntis si AJ, mabilis na sagot ni Jeric, “Hindi. Eh, ba’t siya nagsu-shooting kagabi, ’di ba? Although I haven’t seen her two weeks na siguro, three weeks.”

Sey ni Ogie, “So, at least, galing na sa ‘yo na hindi totoong buntis si AJ.”

Sagot ulit ni Jeric, “Hindi naman. Saka kung buntis, o ‘di mabuti, at least hindi pala siya baog.”

Dagdag pa ng action star, hindi niya alam kung bakit ginagawang problema kapag buntis ang isang babae.

“’Pag buntis, eh, di manganak. Ang masama, ‘yung nabuntis ka, kabuwanan mo na, hindi ka pa makapanganak. Problema ‘yun,” sey pa niya.

Nilinaw din ni Jeric ang dati pang tsismis kay AJ na may anak na ito sa pagkadalaga. Ayon sa action star, mga pamangkin ‘yun ng aktres na lagi nitong nakakasama.

Dagdag pa ni Jeric, kung may anak na si AJ, hindi ito makakagawa ng sexy scenes.

Pagdating naman sa boyfriend ni AJ na si Aljur, ayon kay Jeric, mabait naman ito’t ang hiling lang niya ay iayos muna nito ang buhay at ilagay lahat sa lugar.

AUTHOR PROFILE