ajsolo

AJ, ’di bet ang frontal nudity

July 30, 2021 People's Tonight 8893 views

Aminado si AJ Raval na talagang kumukontra ang pamilya niya sa kanyang pagpapa-sexy lalo na nga ang ama niyang si Jeric Raval na isa ring aktor.

“Pero ang tatay ko po kasi, parang pa-konti-konti, natatanggap na niya. Siyempre, artista rin siya and I know po na maiintindihan din po niya,” pahayag ni AJ sa virtual mediacon ng Taya, ang bago niyang digital film sa Viva Films.

Ayon pa sa tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan, trabaho lang naman ang kanyang ginagawa at wala naman daw siyang natatapakang ibang tao sa kanyang pagpapa-sexy.

Idiniin din niya na kahit nagpapakita siya ng katawan ay may limitasyon naman siya at hindi raw niya magagawa ang mag-frontal nudity.

Sa pelikulang Taya ay matindi ang mga erotic scene nila ng leading man niyang si Sean de Guzman pero hindi lang daw sila basta naghubad dito kundi ipinakita rin nila ang kanilang acting skills.

“Makikita n’yo po rito ‘yung improvement namin bilang artista,” sabi ni AJ.

Mula sa direksyon ni Roman Perez Jr., na siya ring nagdirek ng erotic-thriller na Adan, mapapanood na ang Taya sa August 27 sa mga streaming platform na ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Also in the cast are Angeli Khang and Jela Cuenca.

Kasama rin sa pelikula sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

AUTHOR PROFILE