Airports sa Zambo, Calbayog, Tacloban pinaganda ng CAAP
PINALALAKAS pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at national agencies para sa airport development projects sa buong bansa.
Sa Zamboanga International Airport, nagbigay na ang Zamboanga ng bagong ambulansya para sa hindi inaasahang pangangailangan ng mga bumibiyahe sa Zamboanga City at mga kalapit na lalawigan.
Sa Tacloban airport, maraming travellers ang inaasahang mabibiyaan sa major upgrade sa pagpapalawak ng airport driveway.
Binubuo ang proyekto ng tatlong bagong 5-ton air conditioning units para sa arrival area at VIP room gayundin ang karagdagang solar street lights sa access road sa pakikipagtulungan ng City Engineering District at ng House of Representatives sa pamamagitan ng Tingog Partylist.
Sa Calbayog Airport, nagdagdag na ng 40 bagong solar lights ang Tingog Partylist at ang Office of Civil Defense bukod pa sa tulong ng LGU ng Calbayog na dalawang unit ng leaf and dust blowers at pagpapalakas ng internet connectivity.
Sa General Santos City (Gensan) Airport, mmaglalagay na ng Automated External Defibrillators (AEDs) sa tulong ng LGU at ng pribadong sektor.
Nagpasalamat si CAAP Director General Capt. Manuel L. Tamayo sa patuloy na suporta at tulong para sa pagsasaayos ng mga paliparan.