Cleaner MODEL EMPLOYEE–Pinapurihan ng MIAA ang katapatan ni Rosalinda Celaro. Si Rosalinda Celero at ang mga US dollars na isinurender nito sa NAIA T3 Lost and Found nagkakahalaga ng P1 Milyong piso.

Airport cleaner nagsoli ng medyas na puno ng dollars na nagkakahalaga ng P1M

June 20, 2024 Jun I. Legaspi 124 views

ISANG airport cleaner ang nagsoli ng US dollars na umaabot sa P1 milyon, ayon sa mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) noong Huwebes.

Sa report ng MIAA authority, naglilinis si Rosalinda Celaro sa NAIA terminal 3, nang hindi sinasadyang mawalis ang dalawang medyas sa departure area na puno ng US dollars na iba’t-ibang denominations.

Hindi nagdalawang isip si Celero at ibigay ang medyas sa kanyang supervisor.

Agad nagsagawa ng CCTV review upang matukoy upang makilala kung kanino at may ari ng naiwang cash na ipinasok sa medyas.

AUTHOR PROFILE