AirAsia priority safety ng pasahero

March 31, 2022 Jun I. Legaspi 268 views

Jun LegaspiTINIYAK ng AirAsia Philippines na priority nila ang safety ng mga pasahero sa pinakamataas na antas subalit sa abot presyo ng lahat!.

Kaya talagang nakakataba ng puso ang Management ng AirAsia sa pangunguna ni Sir Ricky Isla ang Chief Executive Officer, Spokesperson Sir Steve Dailisan at Assistant Manager External Communications Public Affairs Carlo Carongoy, dahil talagang nasa “PUSO” para paglingkuran ang kanilang mga pasahero.

Kapansin pansin din ang kababaan ng loob ng tatlong executives. Wala kang makita o maramdamang ere o yabang sa katawan, napaka friendly, napakadaling hingan ng information na pangunahin sa mga reporters lalo na nga´t alam naman natin na window ng bansa ang industriya na kanilang ginagalawan.

Naikwento din sa atin ni Sir Steve ang team efforts na ginagawa ng lahat ng staff ng company upang magamit ang lahat ng budget sa tama at walang masayang.

Binigay na halimbawa nito kung paano natitipid ng mga piloto ng AirAsia ang paggamit ng petrolyo ng mga eroplano subalit hindi ikinokompromiso ang Safety at kaligtasan ng mga pasahero, piloto, crews, at iba pang mga staffs.

Kitang kita sa kanila ang pagmamalasakit ng bawat isa para sa magandang serbisyo maibigay sa mga pasahero ng AirAsia.

Tiniyak din ng mga bosses ng AirAsia na handang handa na sila sa paparating na observance ng Holy Week alinsunod sa plano upang maging plain and smoorth kahit dumagsa pa ang mga pasaherong aalis at babalik ng Metro Manila o ng bansa.

Sa mga darating na araw maraming aabangan ang mga loyal passenger ng AirAsia na mga promos tiyak na tatangkilikin ng mga loyal passengers ng kumpanya dahil tiyak na ka paki pakinabang ito para sa kanila.

Tinitiyak ng 3 bosses ng AirAsia na mamahalin ng mga pasahero ang AirAsia.

Abangan! Sir Ricky! Sir Steve! Sir Carlo! Mabuhay kayo! Umaasa kaming mananatili kayong mabait sa kabila ng inyong mga kinalalagyan bilang mga executive ng AirAsia. Kaya Sakay na sa AirAsia.

****************

Maging ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay handa na sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa lahat ng Terminal 1,2,3 at 4 dahil na rin sa paparating na week long holiday (Holy Week, Apirl 11-17,2022).

Tiniyak ni NAIA Gen. Manager Ed Monreal handang handa na ang lahat ng staff ng NAIA katuwang ang Department of Transportation (DOTr).

Everything is in place. Katuwang natin dito ang (DOTr), at lahat ng mga attached agencies sa loob ng NAIA ay alerted na at primarily objective natin ang safety ng mga pasahero paalis o parating, domestic man ito o international, pagtitiyak ni GM Monreal.

Maging ang lahat ng mga airline companies ay nasabihan na natin sa mga dapat gawin kaugnay ng expected exodus ng mga pasahero domestic man yan o international flights.

Malaking kaalwanan din sa mga airlines, pasahero at mga personnel ang muling pagbubukas ng Terminal 4, nitong Lunes. Malaking luwag sa Terminal 3 dahil yung mga dating regular flights nito bago pandemic ay bumalik na, kaya maiiwasan na ang congestion ng mga pasahero.

Dinoble na rin ang security sa loob at labas ng lahat ng terminals ng NAIA para siguraduhin ang kaligtasan ng mga pasahero paparating man o paalis.

Kaya talagang nagpapasalamat ang mga pasahero kay GM Monreal sa patuloy na pagiging halimbawa sa mahusay na pangangasiwa sa NAIA Terminal 1,2,3 at 4.

Saludo kami sa inyo GM Ed Monreal Mabuhay po kayo! (jilegaspi@yahoo.com)

AUTHOR PROFILE